Martes, Marso 6, 2012

Ang Talambuhay ni Allen Eirsh Masakayan Munda



Allen Eirish Munda
 Ako at ang aking kapatid na si Aj
    Si Allen Eirish Masakayan Munda ay ipinanganak noong ika-anim ng Disyembre taong isang libo siyam na raan at siyamnapu’t-lima, araw ng Miyerkules bandang alas singko ng hapon ni Analiza Masakayan Munda na anak nina Liberato Masakayan at ni Brenda Sedino. Ang kanyang ama ay si Redentor Palo Munda na anak naman nina Rufino Munda at Ofelia Palo. Parehong panganay ang kanyang mga magulang. Siya ay ikalawa sa tatlong magkakapatid

si Allen at Senica

ako nang ako ay 3rd year high school
     Nang siya ay isilang ang kanyang ninang Melody at Lola Ofelia ang nagpangalan sa kanya. Ang Allen ay kinuha sa pangalan ng isang scientist at ang Eirish naman sa apelyido ng isang beauty queen. Galit na galit ang kanyang panganay na kapatid na si Arianne Joy Munda dahil hindi na raw siya ang bunsong anak , ngunit hindi nagtagal ay natanggap rin niya at minahal ang kanyang kapatid na bagong silang at sapagkat magkakaroon na rin siya ng ka bagong laro.   Pagkalipas ng limang buwan pinabinyagan na siya, pinagkagastusan ito ng kanyang mga lolo at lola. Maraming regalo ang kanyang natanggap. Ang mga pakimkim ng mga ninong at ninang ay ibinili ng kanyang ina ng mga gamit niya at gamit sa bahay nila upang sila ay may magamit.
Tatlong taon palamang siya ay pumasok na siya dahil naiingit siya sa kanyang kapatid sapagkat ito’y pumapasok na sa eskwelahan samantalang siya ay hindi pa. Araw araw excited siyang pumasok sa eskwelahan . Noong unang mga araw ng pasukan hindi siya pumapayag na iwan siya ng kanyang ina mag-isa pero nang masanay siya natuto na siyang magpaiwan . Binabalikan nlamang siya ng kanyang ina pag-awasan na . Nagtapos siya ng Daycare na nakamit niya ang ikatlong karangalan, at nang siya ay nagkinder naman ikatlong karangalang banggit ang kanyang nakamit. Pagkalipas ng dalawang buwang na puro laro, siya’y muling pumasok sa unang baitang. Mas naging masaya ang kanyang pagpasok sa eskwelahan dahil araw-araw ay kanyang kasabay ang kanyang kapatid na panganay at mga pinsan na sina Senica, Kim at Kirby. Nagkaroon siya ng unang crush ito ay si Justine Francis Pillar ,magkaiskwela sila ngunit mas matanda si justine saapagkat labing isang taong gulang na ito. Naging malapit ang daalawa dahil bata pa laamang siya ay para na siyang tomboy kung kumilos . magkakasama palagi silang dalawa at si Acer john isa pa nilang kasakasama. Ngunit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan si Acer at Allen kaya nagkahiwalhiwalay sila at nagkaroon ng bagong mga kasama. Dumating ang kanyang ika-pitong kaarawan niregaluhan siya ng kanyang ama ng napakaganda at gustong gusto niyang bisikleta. Tuwang tuwa siya dahil sa regalo ng kanyang ama. Ginalingan niya ang pag-aaral upang makamit niya ang kanyang kahilingang bisikleta. Spoild bratt ang tawag sa kanya ng kanyang panganay na kapatid dahil lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha.
  At nang naggrade two aman siya dapat ay siya ay section A ngunit nagpalipat siya sa section B sa kadahilanang takot siya sa adviser ,dahil sa mga naririnig niyang mga balitan na masyadong mataray at mahigpit ang guro. Subalit ang kanyang kapatid na panganay ay paburito itong guro. Naging paburito siya ng kanyang guro sa section B dahil magaling siya sa klase subalit ang ikinaayaw ng kanyang guro dito ay ang pagiging tamad maglinis ng silid aralan ,palagi siyang tumtatakas sa paaglilinis. Kasama ang mga kaaklase upang maglaro at upang makalaro ang kanyang bagong tinatangi ang bagong transfer na si Jandry Lozada apo ng kanilang guro. Masaya ang kanyang pagpasok ng taong iyong ngunit ng matapos ang ikalawang baitang namiss niya ang kanyang crush. Ngunit hindi siya nangamba dahil dalawang buwan lang naman ang bakasyon.
Nang siya ay nasa ikatlong baitang na kalagitnaan ng taong Dalawang libo at isa ika-tatlumpo ng buwan ng Oktubre isinilang ang kanyang bunsong kapatid na pinangalanang Aeron Masakayan Munda. Ito ay isang malusog na batang lalaki. Siya ay galit na galit sa pagsilang ng kanyang bunsong kapatid dahil pakiramdam niya ay hindi na siya mahal ng kanyang ama at ina lalong lalo na ng kanyang lola Ofelia, ngunit hindi naglaon ay kanyang naunawaan rin na mahal parin siya ng mga ito at dapat pa siyang maging masaya sa pagkakaroon ng bagong miyembro ang kanilang pamilya.
   Tuwing bakasyon ay pumupunta sila sa bayang sinalangan ng kanyng ina sa bayan ng Sto.Thomas lalawigan ng Batanggas. Doon nkatira ang kanyang lolo na si Leberato Masakayan ,ang mga kapatid ng kanyang ina na sina Mylene Aquillo na mayroon na ding sariling pamilya at si Ghil Masakayan na isang binata . Maraming tanim na gulay , prutas at mais ang lolo niya. Kaya siya ay nawiwili doon dahil sa magandang kalikasan, may ilog na kanilang pinaglalanguyan ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak.
   Nang siya ay siyam na taong gulang na maraming pagsubok ang dumaan sa kanilang pamilya. Namatay ang kaisa isang bunsong lalaking kapatid ng kanyang ina si Ghil Masakayan. Pagkalipas naman ng isang taon namatay naman ang lola ng kanyang ama sa idad na siyamnapong taon.. Nang nabubuhay pa ang lola ng kanyng ama ay takot ang mga taong lumapit dito lalo na siya sapagkat naging ulyanin ,parang asip bata at kadalasa’y nananakit na ang naturang lola niya. Ang kanyang lola Ofelia at ang kanyang ina ang matiyagang nag-alaga dito ng ito ay humina na. Ngunit nalampasan nila ang mga pagsubok at kalungkutan ng buhay.
   Siya ay nasa ika-anim na baitang na. Masayang masaya dahil malapit na siyang magtapos ng elementarya . Naging malapit siya sa kanyang lolo Tinoy Palo na kapatid ng kanyang lola Ofelia, paborito siya nito “artista” ang tawag nito sa kanya. Palagi siyang pumupunta sa bahay ng kanyang mga ninang upang magpatulong sa mga takdang aralin sapagkat maganda ang natapos ng kanyang mga ninang.
   Nagkaroon siya ng babaeng malapit na kaibigan na higit pa sa magkapatid o girlfriend in short ito ay si Khryss Leanne Omnes isa transfer student , at isa pang iglesia. Parati silang magkasabay umuwi hinahatid nya ito palagi pag-uuwi. Subalit hindi nagtagal ang kanilang pagigingclose at ng kahiwalay ang dalawa. May naganap na food festival ang kanilang paaralan naatasan siyang magluto ng lumpia para sa kanilang section . Nag-karoon siya ng problema sapagkat hindi siya marunong magluto. Pero nagawan niya iyon ng paraan binasa niya ng paulit ulit ang recipe upang malaman niya ang dapat gawin. Sa kabutihang palad nanalo sila dahil nasarapan ang mga hurado sa kanilang niluto , nagkamit siya ng medalya . Sa kanyang pagtatapos ipinagmalaki siya ng kanyng mga magulang. Magkakasabay nagtapos ang tatlong magkakapatid , si Aeron nagtapos ng kinder , si Arianne joy aman ay sa high school at samantalang siya aman ay sa elementarya at nagtapos din ang anak ng kapatid ng kanyng ama na si Ralph Dominic Munda Cuala . Pinagkagastusan ito ng kanilang ama , ina ,mga lolo at lola . Napakasaya ng araw na iyon para sa kanya dahil napasaya niya ang kanyang ama .
   Nagbakasyon na sumama siya sa pamilya ng kapatid ng kanyang ama para pumunta sa Bicol upang magbakasyon ng ilang araw . Excited dahil minsan lang siya nakapunta sa doon at mag-suswimming pa kaya mas naging excited siya . nagkaroon siya anak anakang batang bicolana na nagngangalang Twinkle. Tinuruan siya ng batang ito na magsalata ng Bicol. Marami siyang nalaman tungkol sa sa mga Bicolano s a loob ng ilang araw. Nang umuwi sila ay nalungkot siya dahil mamimiss niya ang lgar na iyon.
   Enrollment na niya para sa highschool , excited na siya . Kasabay niyang mag-eenroll ang kanyang pinsan na sina Senica at Diane . Tinulungan sila ng kanyang ninang Grace upang madaling mkapasok sa Col.Lauro D. Dizon Men. National High School. Madali naman nilang natapos ang kanilang pag-eenroll ngunit si diane ay nhirapan sapagkat hindi pala siya kasale sa matutulungan ng kanyang ninang. Kaya naiwan sila Daine at kanyang ina ngunit di rin sila masyadong nagtagal dahil nagawan rin ito agad ng paraan .
   Pasukan na ng highschool , pinaka-exciting na stage ng pagpasok sabi ng kanyng kapatid na panganay na si Arianne . Sinamahan siya ng kanyang ina dahil hindi pa siya mag-isa at dahil gustong malaman ng kanyang ina kung anung section nito. Ngunit hindi rin ito nagtagal at umalis din kaagad ng malaman na ayos na ang kanyang anak. Section C ang kanyang pangkat ng siya ay nasa unang baitang sa haiskul. Marami siyang nakilala sa unang araw na iyon . Si Wendy Mounvillie ang una niyang nakilala dahil ito ang katabi niya sa upuan. Tuwing uwian na hinihintay niya ang kanyang mga pinsan na sila Senica at Diane upang may kasabay siya pag-uwi dahil nga hindi pa siya sanay mag-isa. Ngunit hindi rin nag-tagal natuto na siya . nagkaroon siya ng unang kabarkada ang mga ito ay sina Ella ang tinatawag niyang ate dahil kasing idad ito ng kanyang kapatid na panganay , si Wendy nakilala palang kanyng lola oFelia ang ama , Catherine at madaming pang iba. At sa talo pang lalaking kaklase ito ay sina Janalan , mark Angelo Barrios at si Charles Lao, ang tatlong iyo ang palagi niyang kasama tuwing vacant subject nila marami siyng nalaman tungkol sa mga lalaki at mga ugali ng mga ito. Naging masaya ito ngunit tuwing magyayaya ang kanyng mga kaklase na pumunta sa “Sampaloc Lake” ay hindi siya sumasama dahil takot siya at baka may makakita sa kanya . Pero hindi nagtagal sumasama na siya sa mga ito . Isang beses niyaya siya ng mga ito para mag-swimming sa isang pool hindi siya sumama dahil takot siyang magpaalam sapagkat alam niyang hindi siya papayagan kaya simula noon hindi na siya niyayaya ng mga ito dahil alam nilang hindi ito sasama kahit pilitin . Nagkaroon siya ng sariling cellphone ngunit isang beses nasamsam iyon ng kanyang guro sa Matemateka. At nakuha rin niya iyo kinahapunan, pinaglinis lang siya ng silid aralan . Nang siya ay labing dalawang taong gulang doon nya naranasan ang kanyang unang pagdadalaga. Noon niya naraanasa ang unang beses na maligawan ngunit hindi niya ito sinagot dahil takot pa siya. Palagi niyang iniisip ang paalala ng kanyang mga magulang na masyado pa siyang bata para sa mga bagay na ganoon. Medjo marami na siyng nalaman tungkol sa buhay ngunit isip bata pa siya noon at marami pang dapat malaman.
   Nang magchristmass vacation muling bumalik ang kanyang ama mula sa pagkakadistino sa malayung lugar sa Visayas. Ika-dalawamput tatlo ng Disyembre taong dalawang libot-walo masayang masaya ang kanyng pamilya sapagkat buo na naman silang mag-anak. Sumapit ang pasko masaya silang nagsalo salo sa at nagbigayan ng regalo ang bawat isa sa kanilang pamilya. Kinaumgahan katulad ng palagi nilang ginagawa tuwing pasko ang samasamang pagsisimba ,nagtaka ang mag-anak sapagkat hindi pumasok sa simbahan ang kanilang ama. Nang matapos ang nakakapagod at napakasayang paskong iyon natulog ang pamilya ng walang problema. Kinabukasan may hindi inaasahang problema ang dumating sa kanyng pamilya nabisto ng kanyang ina na may iniwang babae ang kanyang ama sa Visayas. Nag-away ng nag-away ang kanyang mga magulang wala siyang nagawa kundi umiyak ng umiyak sa tuwing naririnig niya ang pagtatalo ng kanyang ama at ina. Halos nabaliw na ang kanyang ina sa kakaiyak at kakaisip sa pagkukulang na ginawa niya upang maghanap at ipagpalit siya ng asawa sa iba. Disyembre ika-dalawamput walo ng taong iyon hindi na nagawan ng paraan ang pagsasama ng kanyang mga magulang ganap ng naghiwalay ang mga ito. Muling bumalik sa Visayas ang kanyng ama upang magtrabaho at matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Sapagkat pumapasok pa ang kanyang mga anak at nalalapit na rin ang pasukan. Nang magbagong taon sa Sto.Thomas nila ginanap ang pagpapalit ng taon at pagbabagong buhay iyon ang pinakamasalimuot na pagpapalit ng taon na naganap sa kanya at kanyang buong pamilya. Nang muling magpasukan puro lungkot ang kanyang nararamdaman dinamayan siya ng kanyang mga kaibigan at pinasaya siya ng mga ito. At ng nagtapos ang unang baitang niya sa high school na alam niyng may bago siyang pagsubok na haharapin at dapat tanggapin sa buhay.
   Second year high school na siya bagong pakikisama na naman ang gagawin niya ngunit alam nyang hindi na siya mahihirapan makisama dahil ang iba niyang kaklase ay naging kaklase na niya nung siya ay nasa unang taon ng high school ,at kaklase na rin niya ang malapit niyang tiya at kasing idad niyang si Senica Sedino. Masaya ang mga araw ng pasukan hindi na niya masyadong inaalala ang kanyang mga prolema niya sa pamilya at mga magulang. Naging malapit niyang kaibigan si Abegail Palmenco kaklase niya ito nung first year siya ngunit hindi sila malapit sa isa’t isa , si Sharmaine Ilustre na nanggaling sa section B , si Jhamaica Marasigan, Julie Rose Soriano na kaklase na rin niya sa elementarya at isa rin sa kanyang kababata ngunit hindi sila malapit sa isa’t isa, si Zarah Faith Zoleta, at si ate Micaella o ate ella ng lahat ng nakakakilala sa kanya. Gumawa sila ng isang barkadahan na tinawag nilang “chicoolet’z” na ang ibig sabihin ay chicks na cool at makulit o “EmainraSerishbiliemaica” pinagsaama sama nilang pangalan. Naging masaya ang kanilang samahan ,samasama sila sa bawat kalokohan palagi nilang pinagtatakpan ang pagkakamali ng isa’t isa, bawat pag-absent o cutting at palagi silang pinag-iinitan ng mga guro nila sa bawat subject. Napakasaya ng mga araw na iyon natutuhan na rin niya ang magboyfriend kagaya ng iba. Si Eric ang kanyng unang pag-ibig ngunit hindi sila nagtagal dahil mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Ang kasunod ay si Mutya Dunka o Jhuztine kung tawagin ng iba dahil isa itong tomboy, si Abegail palmenco ang nagpakilala sa kanya dito sapagkat kapit bahay ito ni Abegail. Sineryoso niya ito at minahal ng sobra kahit pareho sila ng kasarian subalit niloko lang siya nito at pinagpalit sa iba. Ilang lingo at araw rin niya ito iniyakan at inisip kung bakit siy ipingpalit nito sa iba, ngunit hindi rin nagtagal madali siyang nakamove-on. Natapos niya ang kanyang kalawang taon sa high school. Nagkaroon na rin ng ibang asawa ang kanyang ina dahil sa kanya, siya ang nagpakilala dito tiyuhin ito ng kanyang kaklase na si Deneery Bati hindi sila malapit sa isa’t isa kaya hindi niya akalaing mapapangasawa pa ng kanyang ina ang tiyuhin nito .
   At third year high school na siya ito raw ang tinatawag na experemantal stage ng high school sabi ng iba sapagkat ito raw ang stage na maraming sinusubukaan ang isang teenager. Sa kanyang expirience totoo iyon dahil marami siyang sinubukang bago sa taong ito. At karamihan dito ay pinagsisisihan niya ng todo dahil maling gawin ang mga bagay iyon. Masaya ang kanyang third year sa high school marami siyng sinubukan bago at minsan nakakasama na sa kanya. Naging boyfriend niya si Harold Castaneda natuto siyang magcutting para lang makasama siya nito. Tumagal sila ng tatlong buwan nsapagkat ng malaamn ng kanyang lola at tita na may boyfriend siya ay agad niya itong hiniwalayan bago magtapos ang pagiging third year niya. Akala niya ay hindi na siya muling magboboyfriend pa pero ng makilala niya si Non Lynon Capistrano kaklase ng kanyang kapatid na panganay ng ito ay nasa elementarya pa lamang. Ito ang lalaking talagang minahal niya ng totoo tumatakas siya sa bahay at nagsisinungaling para lang magkasama silang dalawa subalit niloko siya nito at katulad lang nga dati na ipinagpalit sa iba. Nangako siya na hindi muna siya nagboboyfriend hangang hindi pa siya nakakatapos ng pag-aaral. Hindi niya inakalang muling magbubuntis ang kanyng ina kaya medyo nainis siya sapagkat pagbabae ang anak ng kanyabng ina ay baka makalimutan na siya nito. Ngunit hindi ganoon ang nangyari ng manganak ang kanyang ina ng iang malusog na batabng lalaki na siya pa ang nagpangalan ng Neigel Acer noong ika-apat ng Enero taong dalawang libo isang daan at isa siya pa ang naagbantay sa kanyang kapatid at ina sa ospital. At ang turing na ng batang iyon sa kanya ay kanyng inaa rin sapagkat hindi sumasama ang batang ito sa iba bukod sa kanya. At ilang buwan pa lamang ay muling nadagdagan na naman ang kanyang pamilya dahil nanganak naman ang asawa ng kanyang ama noong ika-dalawampo ng Hunyo taong dalawang libo isang daan at labing isa. Kaya nagkaroon siya ng apat na kaapatid ,dalawang babae at tatlong lalake na sila ngayon.
   At Pasukan na naman. 4th year na siya magtatapos na siya ng high school ngunit ayaw pa niya sapagkat dito niya naranasan ang mga pinakamasayang pangyayari sa kanyang buhay . Hindi rin matutumbasan ang kanyang mga naranasan sa sa puntong ito ng kanyang buhay. Lalung naging enjoyable ang kanyang pagiging high school ng naging adviser nila si Mr. Elmer Ciamo Escala sapagkat nung unang pasukan buwan ng Hunyo ay hindi siya masyadong nagpapapasok at palaging cutting kasama ang mga kabarkada at kung saan saan nagpupunta. Ngunit ng si Sir. Escala na ang kanyng adviser ay sinipag na siyng pumasok dahil ang saya nito magturo. Nagseryoso na siya sa pag-aaral at naging masaya sa tuwing siya ay nasa loob ng classroom. Nang magkaroon ang kanilang eskwelwhan ng fieldtrip ay sumama siya upang mag-enjoy kasama ang guro at mga kaklase, ang araw na iyon ay isa sa pinakamasayng nangyari sa kanya kasama ang mga kaklase nila. Hindi niya malilimutan ang arw na iyon. Nagkaroon muli siya ng bagong pag-ibig si Dante Funtanilla Ferma jr. akala niya ay tatagal sila sapagkat nagkakasunduan sila at nagkakaintindihan sila, may balak na sanang ipakilala ni Allen si Dan subalit hindi na ito natuloy sa pagkat umayaw na siya dahil narealize niya na hindi iyon ang lalaking para sa kanya kaya naghiwalay sila ng maayos at walang samaan ng loob.  Ngayun ay malapit na siyang magtapos ng high school at excited na sa susunod na yugto ng kanyang bukas at ang kanyng kinabukasan.
Ang aking kapatid sa ina si Neigel

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento