Martes, Marso 6, 2012

Ang Talambuhay ni Marjorie De Mesa



 

noong akoy bininyagan
ako at si arida

4 years old ako.
    Ako si Marjorie De Mesa.Nakatira ako sa Brgy.Sta Felomina San Pablo City.Ipinanganak ako noong june 29,1996 .Ang pangalan ng aking nanay ay Marivic De Mesa walang trabaho ang aking ina ngunit mayroon rin kameng pinakakakitaan at ayun ay pagkakaroon namen ng simpleng tindahan,malake ang naitutulong nito sa amen dahil nasasagot nito ang aming pangagailangan sa pang’araw’araw at ang pangalan ng aking ama ay ILuminado De Mesa ,marame akong mga paboritong pakain tulad ng adobo at iba pa.                                                                                                       At ang paborito ko namang cartoons ay Tom and Jerry,shakugano shana,S.A,bakugan ayun ang mga paborito kung mga palabas na hindi ko malilimutan at ang paborito kung kulay ay pink,sky blue,violet at orange.  Kame ay apat na magkakapatid ang panganay ay si jomari de mesa siya ay 17 years old na ,nag'aral siya nung 
ito ang mga kaklase ko
elementary sa sta felomina .Siya ay mahilig sumayaw at kumanta , ang mga naging grades niya noon ay medjo mataas din ,at dahil dun naka graduate na siya,at siya ay sumali din     sa mga contest at siya ay naging scort din simula kinder hanggang grade 2.  Siya ay sumali sa lyre at ang pangalan ng nagtuturo sa kanya ay si Mam Rich.                                                                                   Nung highschool na siya pumasok siya sa paaralang Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School nung first year siya ang section niya ay g at nung second year siya.Siya ay naging  section D siya.                                                        Nung 3rd at 4th year siya ,siya ay naging  habang tumatagal ang section niya ay patuloy na tumataas.                      Naranasan niyang sumali ng js nung 3rd year at 4th year siya  at ito para sa kanya ay isang napakagandang pangyayari sa buhay niya dahil,naranasang niyang makasali sa ganoong party at dahil din dun naisayaw niya ang lahat ng mga crush niya sa kanyang mga kaklase at dahil din dun naging sobrang saya niya.Nung naka'gradute na siya.                                                                                                 Siya ay pumasok o nagaaral  ngayon sa paaralang Laguna State Polythenic University dito sa San Pablo.                                       Nung first year college palang siya ay nagkaroon agad ng maraming kaibigan at dahil dun madalas siyang maggala at minsan napapagalitan na siya ng magulang namin,dahil minsan kung umuwe siya ng bahay ay gabe na dahil sa kanyang kaibigan.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                   Ngayon siya ay 2nd year college na dahil dun mas lalong dumami ang kayang kaibigan at dahil dun araw’araw na siyang umuwe n hindi katulad ng dati ay paminsan’minsan lang at dahil dun palage na siyang pinapagalitan ng aming magulang at hindi din siya sumusunod sa anumang pinaguutos ng aming magulang mas lalo siyang naging pasaway nung lalong dumami ang kanyang kaibigan lahat ng yun ay nasaksihan ko,at ang sumunod naman sa akin ay si Jaser De Mesa siya ay nagaral nung Elementary sa Brgy.Sta Felomina San Pablo City,nagplayer siya ng larong volleyball at napasama siya sa larong volleyball at tulad ko napasama rin siya sa stcaa natalo din sila dahil malakas ang mga kalaban nila at dahil dun umuwe rin sila ng talo pero kahit ganun tinanggap nila ang kanilang pakatalo kahit ganun.                                              

            Naging Masaya parin sila dahil nakapaglaro sila ng maayos at walang nangyaring masama sa kanila. At ngayong 1st year Highschool siya hindi siya nakapaglaro dahil iba ang sinalihan niyang laro ang sinalihan niya ay track and field at dahil mababa ang mga grades niya kaya hindi na muna siya sumali at dahil din sa hindi siya pinayagan na aming magulang at ngayong mag sesecond year highschool na siya guto na ulet niyang maglaro at isa pa siya ay mabuting kapatid.Ang pangalan naman ng aking bunsong kapatid ay Madelene De Mesa siya ay 9 years old na.                                                                                                                                         
               Siya ay nagaaral ngayon sa Brgy.Sta Felomina at siya ngayon ay grade 4 mag ge’grade 5 na siya sa isang taon.Siya ay medyo may katabaan at mataray din pero siya ay may paggalang sa nakakatanda sa kanya ,pag siya ay highschool na mas lalo daw nIyang pagbubutihan ang kanyang pag-aaral upang matulungan ang aking magulang at upana matulungan sa lahat ng mga pangangailangan.                                                                                                                       
              At ako naman ay kasalukuyang nasa 4th year na. At ako ngayon ay 15 years old na ,nag aral ako nung elementary sa Sta Felomina at nung ako ay grade 4 sumali din ako sa lyre tulad ng kapatid ko at sumali din ako sa larong soccer nun ,araw-araw nagpapractice kame para sa division meet ,ngunit nung lalaban na kame. Hindi ako nakalaro dahil tinanghali ako ng gising labis ang aking panghihinayang dahil ayun ang pinakaunang nangyari sa aking buhay na makalaro sa division meet level naging malungkot ako nun pero wala akong magagawa dahil kasalanan ko din aman kung bakit ako hindi nakalaro nung mismong laban.                                                                                            
             Kahit papano naging masaya narin ako dahil nalaman kung may nakuha din silang award at nakuha nila ang 2nd place kahit papano may nauuwe silang karangalan.At nung ako naman ay grade 5 at 6 sumali ako sa larong volleyball. Araw-araw rin kameng nagpapractice at ang naging coach namen ay sobrang higpit. Siya ay namamalo kapag kame ay nagkakamali pero naiintindihan din naman naming kung bakit niya yun nagagawa dahil para rin naman sa amin yun upang kame ay matuto at dahil nga sa kanya kame ay gumaling at palagi kaming nananalo sa aming mga laban at dahil dun napasama kame  sa division meet hindi nagtagal nanalo kame at dahil dun napasama kame sa stcaa meet. 
                Dahil magagaling ang  mga kalaban dun natalo kame at dahil dun naging malungkot ako pero kahit ganun tinanggap ko pa rin ang aming pagkatalo kahit ganun masaya parin ako kase lumaro kame ng walang halong pangdadaya.Nung nakagraduate nako pumasok din ako sa col.lauro d dizon memorial national high school tumigil muna ako sa paglalaro ng volleyball dahil natatakot akong mapabayaan ang aking pag'aaral simula 1st year hanggang 3rd year ay hindi ako nakasali sa aking larong kinahihiligan pero kahit ganun sumasali ako sa intrams ,kinukuha ako nun upang lumaro sa division meet pero hindi parin ako sumali,at nung 3rd year ako nagkaroon ako na mabuting mga kaibigan sobrang bait nila sa akin at hindi ko pinagsisisihang nakilala ko sila,para sa akin sila ang mga taong hindi ko makakalimutan naing parte na sila ng buhay ko.                                                                                                 
               Sumali ako sa JS ito din para sa akin ay isa ding itong masayang pangyayari dahil first time itong nangyari sa aking buhay, pero nung 4th year ako hindi na ako sumali sa js.                                                                  
              Nung ako'y 4th year na sumali ako ng intrams upang makapaglaro dati pa naman matagal na akong kinukuha para lumaro sa division meet pero hindi parin ako sumali pero ngaung 4th year na ako pumayag na akong lumaro sa division meet,naging masaya kame nun ng mga team mates ko dahil nanalo kame hindi namen inaasahang mananalo kame, dahil dun sa pangalwang laban ay nanalo kame ,pero nung pahule na nanalo parin kame,at nung pagkatapos nun may nakuha sa amin upang lumaro sa division meet .                                                                  \              Kasama na ako dun sa mga nakuha naging masaya ako dahil napasama muli ako para lumaro sa division meet dahil dun isang buwan kameng hindi pumasok sa school dahil araw-araw kameng nagpapractice naging masaya ako nun dahil ako ang ginawang captain ball ni sir.At noo,ng araw na lalaro na kame ng division meet, nung unang lumaban kame natalo kame ng canossa at, nung pangalawang laban namen nanalo kame at, nung pangatlo natalo kame dahil natalo kame sa aming pangalwang beses na pagkakataon natanggal na kame dahil kapag nakadalawang talo na ay matatanggal na sa laro,dahil dun nalungkot kame dahil ang bilis nameng natanggal sa laro,pero wala kameng magagawa ,kahit ganun tinanggap na namin ang aming pagkatalo.                                                                                                                         \            Ang ngayong naging 4th year ako nagkaroon ako ng mabuting mga kaibigan at ayun ay sina arida ,hamisula,lindo at faurillo hindi ako nagsising naging kaibigan ko sila dahil sobrang bait nila hindi ko sila makakalimutan ang mga ginawa nilang kabutihan sa akin at lalong hindi ko sila makakalimutan dahil nagging parte na sia ng buhay ko at ngayong gagraduate na kame makakahiwalay na kameng makakaibigan , hindi pa kame magkakatulad ng papasukan ,pero kahit ganun hindi ko sila malilimutan at lalong hindi ko malilimutan ang masasayang araw na makasama kameng lahat dadalhin na yung alaalang yun sa aking pagtanda ,at ngayong gagraduate na ako ,mas lalo kung pagbubutihan ang pagaaral ,upang wala akong maihulog na marka at mas lalong upang makatapos ako ng pagaaral at matulungan ang aking mga maghulang at upang din matulangan din sa pagpapaaral na aking mga kapatid at kapag ako ay naka,gradute na nais kong makahanap ng magandang trabaho para nga matulungan ang aking pamilya at upang masuklian ko ang ginawang pagaalaga sa amin ng aming magulang at pagnakatapos na ako sila naman ang aalagaan ko at hindi ko sila pababayaan aalagaan ko sila tulad ng ginawa nilang pagaalaga sa amin ,sisikapin kong makatapos upang magawa lahat ang aking mga pangarap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento