Martes, Marso 6, 2012

" Ang Talambuhay ni Marvin Rosales "

Ako si Marvin Anonuevo Rosales.Nakatira sa PNR.compound brgy-c.Ako ay ipinanganak noong mayo 15 1994.Ang pangalan ng aking ina ay si Digna Anonuevo Rosales.At ang aking ama ay si Nicasio Para Rosales.Meron akong dalawang kapatid na ang pangalan ay sina Marivic Anonuevo Rosales at Maricris Anonuevo Rosales.Kaming tatlong ay ipinanganak sa hospital.At kami ay sesarian.

Ako ay pumasok sa paaralang ng Bagong Bayan Central School.Noong akoay grade-1 ay kaklase ko ang aking bunsong kapatid na si Marivic Anonuevo Rosales.Sa unang araw ng klase ay marami akong naging kaibigan kasama ang aking kapatid.At sa pag tung-tong ko sa ika-dalawang baitang ay lalo pang dumami ang aking kaibigan.Ngunit sa pagpasok ko sa ika-dalawang baitang ay natuto akong mag kating klases.At para bang tinamad nakong pumasok sa eskwelahan.Naging pasaway ako sa aking guro at mga kaklase.Ang alam ng magulang ko na ako ay napasok .Ngunit di ni alam na ako ay nagbubulakbol kasama ang aking mga kaklase sa ika-dalawang baitang.At noong matatapos nako sa ika-dalawang baitang halos dalawang buwan nalng ang ipapasok ko natuto akong makinig sa aking guro.At siya ay nanawa sa akin at ipinasa niya ako.
Naging masaya ako dahil kahit pinasakit ko ang ulo ng aking guro ay ipinasa parin niya ako.At sawakas nakapasok ako sa ika-tatlong baitang.Ay mag kaklase parin kaming dalawa ng aking kapatid na si marivic anonuevo rosales.ngunit nung nagpalitan ng guro.Ay magiging guro ko ulit yung guro ko noong nasa ika-dalawang baitang pa ako.ngunit tinang-gihan niya ako dahil masyado daw akong pasaway at nasagot paraw ako sa kanya.Kaya akala kong mag kaklase kaming dalawa ng aking kapatid na bunso ay hindi pala.Nalungkot ako dahil di kona makakasama aking mga dating kaklse.Ngunit nagpapasalamat din ako dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan.At natuto akong sumunod sa aking guro at makinig.hanggang makarating ako sa ika-apat na baitang at naging guro ko ang nanghubo sa akin at mga kabarakada ko noong nasa ika-dalawang baitang pa ako.Ang panglan ng gurong iyon ay si mam nuevo.
Siya ay isang mataray na guro sa ika-apat na baitang.Kaming buong klase ay takot sa kanya kapag naan duon siya sa room.Ngunit kapag wala siya akmi ay nagdadal-dalan at kaming buong klase ang pinaka maingay sa bagong bayan central school.Lalo pang naging masaya noong nakapasok ako sa ika-limang baitang.Sa unang araw ng pasukan namin ay nagpaltukan kami ang itlog ng pugo at tinamaan ang mga kaklase kong babae.Pinagalitan kami ng aking guro nasi sir quinay.Lhat ng lalake ay pinapila niya at binigyan ng tigi-tigisang palo.At ang mga babae ay pinag swat ni namy hawak ng tigisang aklat sa mag-kabilang aklat.Ngunit kahit pinalo ay hindi kami nag tanim ng sama ngloob sa kanya.Dahil masaya parin naman kami.At naka pasa ako sa ika-limang baitang.At tumungtong ako sa ika-anim na baitang.Noong unang pasukan ay meron akong naging kabarkadang tumboy.At siya ang nagturo sa aking manigarilyo kaya tuwing aawas kami  lagi kaming magkasamang naninigarilyo..Ngunit lagi siyang pinapagalitan ng aming guro dahil ayaw niyang mag-palda kaya hindi nagtagal siya ay nagdrop at hindi na pumasok sa school .At itinigil ko naring ang bisyong paninigarilyo.Pagkalipas ng mga buwan naging kasundo ko ang aking guro tanaging kabiruan ko pa siya ay si ginang almario.Tuwing hapon mga alas-tres ng hapon ay nagpapa-alam ako sa aking guro na ako ay pupunta sa cr.Ngunit ang di niya alam ako ay nalabas ng iskul.Para kumain ng lugaw lagi ko itong ginagawa nakita akong ng aking mga kaklaseng lalake at ginaya nila ako kayang tuwing hapon ako at ang aking mga kakle ay napunta kay nameli para kumain ng lugaw.At sa paglipas ng mga taon di ko alam na magtatapos na ako ng pag-aaral sa elmentary.Ako ay natuwa at nalungkot dahil sawakasa makakatung-tong na ako sa high school.Ngunit ako ay nalulungkot dahil maa-alala ko ay masasayang araw ng akoy elementary pa.

Noong araw ng bakasyon bago 
ako pumasok sa high school.Ako ay nagpunta sa aking pinsan na si Dexter Rosales Javelosa .Kaming dalawa ay magkasundo kaya malapit kami sa isa`t-isa.Mag pipista noong ako ay nag punta sa kanila.At ako ay naging masaya dahil pinakilala niya ako sa kanyang mga pinsan at mga kabarkada.At sumapit na ang araw ng pista nakita ko ang kanilang puon nainililibot sa mga bahay bahay at ang mga bahay ay merong nakalagay na mga pag kain.Ang iba naman ay nagsasaboy ng pera kaya maraming tao ang nasunod sa puon kasama ako at ang aking pinsan.Pag sapit ng gabi ako at ang aking pinsan ay nag punta sa sayawan upang makipag sayaw.Ako ay natuwa dahil makikita mo sa mga tigaroon na sila ay masaya lahatAt di ko namalayan na patapos na ang bakasyon kaya ako ay nag hahanda sa pagpasok sa paaralan.kasama ko ang aking ama na si nicasio rosales.At kaming dalawa ay nagpunta sa col.lauro.d.dizon memorial natoinal high school.At nung makatapos na kaming makapag enrol ako at ang aking kapatid ay nagpunta sa aming room.Ako ay natuwa dahil mag kaklse parin kaming dalawa ng aking bunsong kapatid.Pati naging kaklse namin ang aming kapit bahay nasi arzel perez.Sa unang araw ng pasukan ay meron akong naging kaibigan sa aking mga kaklase.

Sila ay sina Cyruz Cruz Pedraja at Allen  B Himor.Lagi kaming magkakasama sa oras ng vacant period namin aking tatlo ay napunta sa computer shop upang maglaro ng counter strike.Ang naging section  ko ay 1-g at ang aking naging adviser ay si Ginang Lyn Yu siya ay mabait na advicer lagi siya naming kasundo at kabiruan.At noong mamatapos nako sa first year ay nag karoon ako ng back subject kay Ginang Miranda dahil bihira ako sa kanya pumsok at maingay ako sa kanyang klase.pinakau-usap ko ang aking ama ngunit huli na raw kaya hindi na siya naki-usap para ako ay makapasa sa aking back subject na TLE-1.Nakapasa ako ng first year at sa pag pasok ko ay makaka tung-tong na ako sa second year.Sa pag pasok ko ay hindi na kami naging mag kaklse ng aking kapid na bunso.pero ang mga naging kaibigan ko ng ako ay first year ay kaklase ko parin kaya masaya parin ako.Ang naging section ko ng akoy second year 2-g.Ngunit sa pagpasok ko sa second year napabarkada ako sa tiga sa amin bulalik na naman ang bisyokong manigarilyo atnaging maglalaseng ako.Kaya lagi akong na late sa aking first subject mataray kasi ang aming teacher doon ay si Mrs Sanpedro.Dhil inaraw-araw ko ang pag iinom at pagsama ko sa aking mga kabarkada bumama ang ang nakukuha kong marka sa card at ang ilan pa ay bagsak.Isang araw noon habang aky na pasok sa oras ng filipino ay sinalaw ko ang aking kaklseng babae ako ay nakita ng aking guro na si ginag linggad kaya ipinatawag niya ang aking magulang at pumunta kami sa guidance room.
Pag katapos noon pinapunta ko ulit ang aking magulang dahil marami akong bagsak .Tinanong ako ng aking magulang na kung gusto ko pang mag-aral pero sinabi ng aking advicer na pahirapan daw bago makapasa kaya inanasya kong tumigil na lng sa pag-aaral.Sa pagtigil ko sa pag-aaral ako ay namasukan sa aming kapit bahay na magpatay ng manok.Napakahirap ng trabahong iyon dahil lagi kang puyat dahil sa gabi na dating ang manok.ipinag patuloy ko ang pagkakatay ng manok hanggang tinanong ko sa sarili ko ganito na lang ba ako habang buhay.Malapit na ulit ang pasukan kaya sinabi ko sa aking magulang na ako ay mag-aaral muli at tinanong nila ako kapag ikaw ay pinapasok namin ay magtitino ka sa pag-aaral at sumang ayon ako sa gusto nila at ako ay muling pumasok sa paaralan. Naging kaklase ko si Culla Leobert at marami pang iba. Dumami ang aking kaibigan at ang aming section ay 2-g .Hanggang di ko na malayan na matatapos na pala ako sa second year natuwa ang magulang ko dahil nakapasa ako.Natuwa ang mga kabarkada ko na ako ay nakapasa.kaya sumama na ulit ako sa kanila.Malapit na ulit ang pasukan nag enrol kaming magkakasama ng aking mga kaibigan sa school.At ako ay natutuwa na kaklse ko sila ulit pati ang section ko ulit ay 3-g hang-gang di ko namalayan na makatutung- tong na ako sa fourt year.Kahit di nakami mag kakasama ng dati kong kaklase ay ayus lang. Dahil mababait ang mga kaklase ko ngaun ang aming section ay 4-g na ngayon ay 4-galilei.Naging masaya ako sa pagiging fourth-year student ko.Dahil hindi lang mabait ang mga kaklase ko.Meron din akong mabait na advicer. Ang Kanyang pangalan ay si Mr.Elmer Caimo Escala.Magaling na guro at ginagalang namin ng buong section namin.Medyo mataray magturo pero masaya.Pero kahit ganoon siya.Siya ang advicer kong nagpatino sa amin at sa akin.Ngunit sa pag lipas ng mga buwan ay nagkasakit ang aking ama.Dalwang bese siyang dinala sa hospital.Ang unang dala sa hospital ay nag kasakit siya sa baga.Nagamot naman ito.
Ngunit  sa padalwang beses niyang nakomfine.Naging mahina siya.Siya ay nagkasakit ng diyabetis.Halos dalawang linggo siya sa hospital.Sa ikatlong araw na dumalaw ako sa kanya ay nakain pa siya.Ngunit sapag lipas ng araw ay ng mga araw ay lalo pa siyang nanghina at tinapat ang aking magulang na kailangan siyang mai dayalisis.Dahil sa wala kaming kakayahan na maipa dayalisis ay napalitan kaming iuwi ang aking ama.Ng pag kauwi niya sa aming bahay galing hospital.Labis siyang namayat at ang sabi ng aking ina na halos isang linggo siyang hindi nakain.Nalungkot ako  dahil sa tingin ko na halos araw na lng ang bibilangin ng aking ama.Sa unang gabi niya sa amin hiniling ng aking ama na gusto niyang kumain ng lugaw.At ako raw ang gusto niyang magluto.Pinag luto ko siya ng lugaw na may kasama na isang malaking piraso ng manok.Ngunit akala ko na kakainin niya tinignan niya lang ito.At sabi niya ay busog na raw siya.Labis akong nalungkot dahil nakikita ko siyang nahihiran.Kinabukasan noon dumating ang aking tiya Anggie siya ay kapatid ng aking ama.Ng makita ng tiya ko ang kalagayan ng aking ama.Siya ay napaiyak dahil hindi niya akalain na ganun nga ang mangyayari saking ama.Pina salubungan niya ito ng Makapuno dahil yun  ang gusto ng aking ama.At pinahawak niya ang Isang kahon na fita.Pinahawak niya ito sa king ama at ang sabi ng aking ama anoto! max umimik ang aking tiya at sang sabi niya ay fita iyan.Niyapos ng akin ama ang fita at sabi niya ay yehey may fita nako .
Natutuwang naiiyak ang aking tiya .Dahil kahit ganoon ang kalagayan ng aking ama ay nagpapatawa parin siya.Kinahapunan ay umalis ang aking tiya.At sa sumunod na ikat-long araw maaga panoon pinag bawalan niya akong kumain ng mami.Dahil ma high blood ako.At sumapit ang gabi nakita kong hindi makahinga ang aking ama.Isinugod namin siya sa hospital at doon nawalan na siya ng hinanga at siya ay namantay.Ibinurol namin ang aking ama sa bahay ng aking lolo at lola sa may concepsion.Ako ay natuwa dahil pumunta ang aking dalawang kaklaseng babae silaraw ay nagtulong-tulong  para makabili ng biscuit para sa aking ama sa pangunguna ng aming advicer.  At noong huling lamay ng aking ama ay namatay ang kanyang nakaka tatandang kapatid siya ay si Roberto Rosales.Siya ang panganay sa magkakapatid.At ang tiyo kong iyon ay una pang nagkaskit kaysa sa aking ama.Ang tiyo ko ay halos mag-iisang taon na nakaratay dahil siya ay nagka diyabetis at naistroke pa siya.Nailibing na ang aking ama at ang aking tiyo .Kahit naiisip ko pa ay pumasok ako sa paaralan
.Para hindi ako masyadong malungkot .Sa pag pasok ko ay naging masaya ako kahit nalulungkot dahil alam ko na kahit nasaan man ang aking ama ay masaya narin siya.Lumipas ang mga araw ay mag papasko na.Kaming buong section ay nagkaroon ng christmas party sa school kasama ang aming advicer.Napakasaya ng lahat dahit sa mga palaro na ginawa ng aming advicer.At ang di ko malilimutan na palaro na g inawa ng aming section.Ay ang pagpunta sa oval at mag patong-patong para makabuo ng phyramid pati ang pag gulong sa damuhan napakasaya ko noon iyon ang isa sa diko malilimutan sa high school. At ngayon matatapos na ako sa pag-aaral sa high school.Hinding hindi ko malilimutan ang pag-aaral ko sa Col.Lauro D Dizon Memorial Natoinal High School.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento