Martes, Pebrero 28, 2012

                                                         Ang aking Talambuhay   

 

noong akoy bininyagan
ito ang mga kaklase ko
kaming apat mag kakasama lagi.

4 years old ako.
ako at si arida
    ako si marjorie de mesa nakatira ako sa brgy.sta felomina san pablo ci . Ipinanganak ako noong june 29,1996 .ang pangalan ng  aking nanay ay marivic de mesa walang trabaho ang aking ina ngunit mayroon rin kameng pinakakakitaan at ayun ay pagkakaroon namen ng simpleng tindahan,malake ang naitutulong nito sa amen dahil nasasagot nito ang aming pangagailangan sa pang’araw’araw at ang pangalan ng aking ama ay iluminado de mesa ,marame akong mga paboritong pakain tulad ng adobo at iba pa.At ang paborito ko namang cartoons ay tom and jerry,shakugano shana,S.A,bakugan ayun ang mga paborito kung mga palabas na hindi ko malilimutan at ang paborito kung kulay ay pink,sky blue,violet at orange.  Kame ay apat na magkakapatid ang panganay ay si jomari de mesa siya ay 17 years old na ,nag'aral siya nung elementary sa sta felomina ,siya ay mahilig sumayaw at kumanta , ang mga naging grades niya noon ay medjo mataas din ,at             dahil dun naka graduate na siya,at siya ay sumali din     sa mga contest at siya ay naging scort din simula kinder hanggang grade 2 at siya din pala ay sumali sa quire at ang pangalan ng nagtuturo sa kanya ay s imam rich . Nung highschool na siya pumasok siya sa paaralang col.lauro d dizon memerial national high school nung first year siya ang section niya ay g at nung second year siya,siya ay naging d .at nung 3rd at 4th year siya ,siya ay naging c habang tumatagal ang section niya ay patuloy tumataas ,naranasan niyang sumali ng js nung 3rd year at 4th year siya  at ito para sa kanya ay isang napakagandang pangyayari sa buhay niya dahil naranasang niyang makasali sa ganoong party at dahil din duon naisayaw niya ang lahat ng mga crush niya sa kanyang mga kaklase at dahil din dun naging sobrang saya niya.Nung naka'gradute na siya .                                                                                                 Siya ay pumasok o nagaaral  ngayon sa paaralang laguna state polythenic university dito sa san Pablo,nung first year palang siya ay nagkaroon agad ng maraming kaibigan at dahil dun madalas siyang maggala at minsan napapagalitan na siya ng magulang namen dahil minsan kung umuwe siya ng bahay ay gabe na dahil sa kanyang kaibigan,at ngayon siya ay 2nd year colledge na dahil dun mas lalong dumami ang kayang kaibigan at dahil dun araw’araw na siyang umuwe n hindi katulad ng dati ay paminsan’minsan lang at dahil dun palage na siyang pinapagalitan ng aming magulang at hindi din siya sumusunod sa anumang pinaguutos ng aming magulang mas lalo siyang naging pasaway nung lalong dumami ang kanyang kaibigan lahat ng yun ay nasaksihan ko,at ang sumunod naman sa akin ay si jaser de mesa siya ay nagaral nung elementary sa brgy.sta felomina San Pablo City,nagplayer siya ng larong volleyball at napasama siya sa larong volleyball at tulad ko napasama rin siya sa stcaa natalo din sila dahil malakas ang mga kalaban nila at dahil dun umuwe rin sila ng talo pero kahit ganun tinanggap nila ang kanilang pakatalo kahit ganun naging Masaya parin sila dahil nakapaglaro sila ng maayos at walang nangyaring masama sa kanila ,at ngayong 1st year highschool siya hindi siya nakapaglaro dahil iba ang sinalihan niyang laro ang sinalihan niya ay track and field at dahil mababa ang mga grades niya kaya hindi na muna siya sumali at dahil din sa hindi siya pinayagan na aming magulang at ngayong mag sesecond year highschool na siya guto na ulet niyang maglaro at isa pa siya ay mabuting kapatid.Ang pangalan naman ng aking bunsong kapatid ay madelene de mesa siya ay 9 years old na at siya ay nagaaral ngayon sa brgy.sta felomina at siya ngayon ay grade 4 mag ge’grade 5 na siya sa isang taon.Siya ay medjo may katabaan at mataray din pero siya ay may paggalang sa nakakatanda sa kanya ,pag siya ay highschool na mas lalo daw nayang pagbubutihan ang kanyang pag’aaral upang matulungan ang aking magulang at upana matulungan sa lahat ng mga pangangailangan At ako naman ay kasalukuyang nasa 4th year na at ako ngayon ay 15 years old na ,nag aral ako nung elementary sa sta felomina at nung ako ay grade 4 sumali din ako sa quire tulad ng kapatid ko at sumali din ako sa larong soccer nun ,araw ‘araw nagpapractice kame para sa division meet ,ngunit nung lalaban na kame hindi ako nakalaro dahil tinanghali ako ng gising labis ang aking panghihinayang dahil ayun ang pinakaunang nangyari sa aking buhay na makalaro sa division meet level naging malungkot ako nun pero wala akong magagawa dahil kasalanan ko din aman kung bakit ako hindi nakalaro nung mismong laban at kahit papano naging masaya narin ako dahil nalaman kung may nakuha din silang award at nakuha nila ang 2nd place kahit papano may nauuwe silang karangalan.at nung ako naman ay grade 5 at 6 sumali ako sa larong volleyball araw ‘araw rin kameng nagpapractice at ang naging coach namen ay sobrang higpit siya ay namamalo kapag kame ay nagkakamali pero naiintindihan din naman naming kung bakit niya yun nagagawa dahil para rin naman sa amin un upang kame ay matuto at dahil nga sakanya kame ay gumaling at palagi kaming nananalo sa aming mga laban at dahil dun napasama kame s sa division meet hindi nagtagal nanalo kame at dahil dun napasama kame sa stcaa meet at dahil magagaling ang  mga kalaban dun natalo kame at dahil dun naging malungkot ako pero kahit ganun tinanggap ko pa rin ang aming pagkatalo kahit ganun masaya parin ako kase lumaro kame ng walang halong pangdadaya.Nung nakagraduate nako pumasok din ako sa col.lauro d dizon memorial national high school tumigil muna ako sa paglalaro ng volleyball dahil natatakot akong mapabayaan ang aking pag'aaral simula 1st year hanggang 3rd year ay hindi ako nakasali sa aking larong kinahihiligan pero kahit gtanun sumasali ako sa intrams ,kinukuha ako nun upang lumaro sa division meet pero hindi parin ako sumali,at nung 3rd year ako nagkaroon ako na mabuting mga kaibigan sobrang bait nila sa akin at hindi ko pinagsisisihang nakilala ko sila,para sa akin sila ang mga taong hindi kjo makakalimutan naing parte na sila ng buhay ko. Sumali ako sa js ito din para sa akin ay isa ding itong masayang pangyayari dahil first time itong nangyari sa akin, buhay pero nung 4th year ako hindi na ako sumali sa js,at nung ako'y 4th year na sumali ako ng intrams upang makapaglaro dati pa naman matagal na akong kinukuha para lumaro sa division meet pero hindi parin ako sumali pero ngaung 4th year na ako pumayag na akong lumaro sa divisin meet,naging masaya kame nun ng mga team mates ko dahil nanalo kame hindi namen inaasahang mananalo kame dahil dun sa pangalwang laban ay nanalo kame ,pero nung pahule na nanalo parin kame,at nung pagkatapos nun may nakuha sa amin upang lumaro sa division meet at kasama na ako dun sa mga nakuha naging masaya ako dahil napasama muli ako para lumaro sa division meet dahil dun isang buwan kameng hindi pumasok sa school dahil araw araw kameng nagpapractice naging masaya ako nun dahil ako ang ginawang captain ball ni sir. at nung araw na lalaro na kame ng division meet nung unang lumaban kame natalo kame ng canossa at nung pangalawang laban namen nanalo kame at nung pangatlo natalo kame dahil natalo kame sa aming pangalwang beses na pagkakataon natanggal na kame dahil kapag nakadalwang talo na ay matatanggal na sa laro, dahil dun nalungkot kame dahil ang bilis nameng natanggal sa laro,pero wala kameng magagawa ,kahit ganun tinanggap na namin ang aming pagkatalo.Ang ngayong 4th year ako nagkaroon ako ng mabuting mga kaibigan at ayun ay sina arida ,hamisula,lindo at faurillo hindi ako nagsising naging kaibigan ko sila dahil sobrang bait nila hindi ko sila makakalimutan ang mga ginawa nilang kabutihan sa akin at lalong hindi ko sila makakalimutan dahil nagging parte na sia ng buhay ko at ngayong gagraduate na kame makakahiwalay na kameng makakaibigan , hindi pa kame magkakatulad ng papasukan ,pero kahit ganun hindi ko sila malilimutan at lalong hindi ko malilimutan ang masasayang araw na makasama kameng lahat dadalhin na yung alaalang yun sa aking pagtanda ,at ngayong gagraduate na ako ,mas lalo kung pagbubutihan ang pagaaral ,upang wala akong maihulog na marka at mas lalong upang makatapos ako ng pagaaral at matulungan ang aking mga maghulang at upang din matulangan din sa pagpapaaral na aking mga kapatid at kapag ako ay naka,gradute na nais kong makahanap ng magandang trabaho para nga matulungan ang aking pamilya at upang masuklian ko ang ginawang pagaalaga sa amin ng aming magulang at pagnakatapos na ako sila naman ang aalagaan ko at hindi ko sila pababayaan aalagaan ko sila tulad ng ginawa nilang pagaalaga sa amin ,sisikapin kong makatapos upang magawa lahat ang aking mga pangarap.

Talambuhay ni Lea Grace A.Jamesula


                                                            Ang Aking Talambuhay
ako ito
                                        

nung fieldtrip2012

ako at si cecille
js namin

ako at si rose
    Ako po si Lea Grace A Jamesula isinilang ako noong august.12,1996 at nakatira po ako sa Brgy San Roque San Pablo City nag-aaral po ako sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National Highschool ako po ay 4th year students napo ako at  ang aking mga magulang ay sina Maria Floria A. Jamesula at ang aking stepfather na si Eliseo V. Jamesula at ang aking tunay na ama ay si Rahim Abdur taga Bangladesh noong 4 months palang ako naghiwalay ang mama ko at ang  papa ko ay hindi ko pa nakikita ang aking tunay na ama sa personal nakita ko lang siya sa picture at pati rin sa Faceboook at hindi ko rin alam kong may pamilya na siyang iba.


 Naghiwalay sila ng mama ko  dahil daw si papa ko ay seloso at noong ako ay apat na taon na ako ay bumalik ang aking ama sa Pilipinas para kunin ako pero hindi ako ibinigay ni mama at itinago ako ni mama sa tiyahin ko umalis ang aking ama at noong bumalik ulit sya may kasama na siya na mga pulis at may abogado ang kasama niya  ang ginawa ni mama ay itinago ako sa samar sa mga  lolo ko at lola ko sa probinsya.  Nang iniwan ni mama sa aking mga lolo at lola ay pumunta si mama sa ibang bansa para magtrabaho at ako nuun ay 4yrs old ako noon. At pinag-aral ako  ng lola ko at lolo ko ng daycare sa Samar noong daycare ako ang bag ko ay plastik dahil walang pambili ang lolo at lola ko at hindi pa marami ang mga friend ko kahit hindi pa ako marunong mag-waray. Grumaduate ako noong daycare ako na hindi ko kasama ang mama ko sa stage pagsabit ng medalya dahil ako ay honor at noong grade one ako marami na akong kaibigan at close ko narin sila ang aking mga pinsan ay marunong na din akong mag-waray.Noon at naging kaklase ko ang aking pinsan na babae ang panagalan niya ay Ludilyn mas matanda siya sa akin ng 2 taon naiinggit ako sa kanya kasi pagmay assignment kami tinuturuan siya  ng kanyang mga kapatid at mga magulang.Samantala  ako wala kasi matanda na ang aking lola at lolo pero masaya din ako kasi pagtuwing awasan naiiwan ako sa room at tinuturuan ako ng aking teacher magbasa magsulat magbilang at minsan tinuturuan niya ako sa aking assignment at sabay kami umuuwi ng aking teacher at inihahatid ako niya ako sa bahay sa  at binibigyan ako ng pambaon para bukas sa papasok. Naging masaya din ako sa mararamdaman ko dahil para na siyang aking ina at ako naman  ay  tinuturing niya ako bilang  anak  ang pangalan ng aking teacher  ay si Ma'am Reyes Abunda.
Noong grade 2 na ako  iba na ang aking adviser  at panibagong  kaibigan  pero  noong grade 2 ako akala ko magiging malungkot ako  hindi pala kasi nnagkaroon ako ng tunay na kaibigan   ang pangalan nila ay si Sherly,Judlyn,Carlo,Tayang , Dianna sila ang aking tunay na mga kaibigan  noong grade 2 ako ang turing namin sa isa't isa ay parang magkakapatid at sila lagi ang aking mga kalaro at sabay sabay kami papasok sa iskul at sabay-sabay din kami umuwi tu wing awasan . At lagi pa rin ako hinahatid ng teacher ko noong grade 2 ako at sya pa  rin ang nagbibigay sa akin ng baon.
Noong grade 3 na ako kaklase  ko pa rin ang aking mga kaibigan  at sila pa rin ang aking mga kaharutan  at ang  aking adviser noon ay mataray.Kaya tuwing nag kaklase  hindi ako maingay kasi baka ako pagalitan at ipahiya sa mga kaklase ko at don din ako nasanay  na palagi ako tahimik tuwing may klase .Pero pag kasama ko naman ang aking mga barkada madaldal naman ako  at lagi ako absent noong grade 3 ako  dahil natatakot ako sa aming adviser  at pinatawag nya ang aking gurdian  pero hindi pumunta ang aking lolo at lola kasi matanda na sila hindi na sila makalabas ng bahay  kaya ang ginawa ko pumunta ako sa tapat ng room ni ma'am Reyes.At ipinaliwanagt ko kay ma'am Reyes kung ano ang problema ko at kung bakit ako naabsent  pinuntahan nya ang aking Adviser  at kinausap nya at simulan noong kina usap ni ma'am reyes bnaging mabait na ang aking adviser.Hindi na naging mataray  at lagi na ulit ako napasok  at tuwing hapon pag uwi ko ng bahay at minsan ako din ang nagsasaing kasi hindi na  kaya ng aking lola at lolo dahil sila ay may sakit na rayuma. Tuwing umaga nagising ako na maaga ma iigib at mag lilinis ng bahay at pupunta ako sa aking tiyahin para umutang ng bigas  at pagkatapos sinasaing ko muna bago ako malkigo. Kaya minsan na lalate ako sa school at noong na late ako sabi ng adviser sa akin kapag ma late pa ako sa susunod hindi na daw nya ako papasukin.Patatawagin daw nya ang aking lolo at lola para ako makapasuk sa school  isang araw naq late ako at hindi na nya ako pinapasok. Kailangan na daw nya makausap ang aking gurdian    umopo ako sa tapatr ng school ni ma'am Reyes at nilanapitan nya ako at ang sabi nya kung anu daw ang aking problema at sinabi ko sa kanya at pinaliwang ko  kung bakit ako na lalate  umiyak ako at pati din si ma'am Reyes ay na paiyak.Pag katapos ko ipaliwanag sa kanya hinawakan nya ang aking kamay at sinabi nya sa akin na sya na daw ang bahala ng problema ko  pinuntahan nya ang adviser ko at kinausap nya ulit.Nakapasok ulit ako  ayan ang hindi ko makalimutan  hannggang ngayon . At noong simula tuwing  umaga napunta si m'am Reyes  sa bahay at tinutulungan nya ako sa gawain ng bahay  minsan  wala ako ginagawa kasi ang pinapagawa nalang sa akin ni ma'am Reyes ay gawin ko nalang ang aking takdang aralin   hindi ko talaga makalimutan si ma'am reyes sa kanyang kabutihan at sya ang tinuturing kong ina.
 Noong grade 4 na ako naghiwalay kami ng aking mga kaibigan pero si Carlo.Magkaklase parin kami sya lagi ang aking kalaro noon at lagi kami magkasabay umuwi at inihahatid nya ako sa bahay naming si Carlo ay mayaman ang kanyang mga magulang sa Brgy namin sila ang kilalang mayaman.Uuwi ang mama ko noong grade 4 ako ako umuwi si mama ng buntis at may asawa na at sinabi sa akin  ng mama ko sya ang aking ama pero agad sinabi ng tiyahin ko na ama-amahan lang.Nalungkot ako dahil naaalala ang aking ama kung nasaan ba sya at kung inaalala nya ako nanganak si mama lalaki ito ang pangalan nya ay James Paul. Makalipas lang ng ilang buwan ay bumalik na ulit sya sa maynila kasama ang aking kapatid pero Masaya parin ako noon kasi nakita ko ang aking ina.
Noong grade 5 ako naging malungkot ako kasi hindi na si maam Reyes ang mag tuturo sa amin mapapapunta na sya sa ibang iskul humina ang aking loob ko kasi wala na akong malalapitan guro.Pag may problema ako pero hindi parin kami nag kahiwalay ni Carlo  sya na lang ang nagpapasaya sa akin.
Noong grade  6 ako masaya ako kasi nangako si mama na uuwi sya sa graduation namin at sya ang  klasama ko sa graduation atr naging kaklase ko pa rin si carlo at pag minsan pag wala ako baon binibigyan nya ako ni carlo at noong march 1 tinawagan ko si mama at ang sinabe ko kay mama na malapit na ang graduation namin  sabe ni mama na hindi daw saya  ang makakasama ko mag m,arsha dahil hindi daw sya makakauwi kasi walang mag aalaga sa bunsong kong kapatid  simula noon naging malungkot ako  kasi nangako sya  pero hindi naman  nya tinupad  at inisip ko kong sino ang makakasama ko sa pag marsha  hindi naman maari na ang kasama ko ang aking lola at lolo kasi hindi na sila makalakad  kasi matatanda na sila .At noong March 14  ng hapon pinuntahan ko si Carlo upang sabihin sa kanya na baka hindi ako 9 makasali sa gradeuation kasi wala ako kasama mag marsha  pumunta kami sa bayan  pupuntahan namian si maam reyes preo ng pinuntahan namin  sirado ang kanilang bahay at tinanong namin ni carlo kong nasaan ang tao at ang sabi na mano na lumipat na daw sila ng bahay  noong march 15 ng umaga graduation naminh  na kahit wala ako9 kasama  magmarsha ng bihis parin ako  at sinoot ko yong toga at noong  pumunta ako sa gym.  nakita ko si maam rayes yinakap ko sya at yinakap din nya akok ng mahigpit  at naging masaya ako kasi may makakasama na ako mag marsha  inayusan ako ni maam reyes  at sya ang nakasama ko mag marsha at noong pag uwi ko sa bahay namin naghanda ang bmga tiyahin ko . masayang masaya ako  talaga na kahit hinda umuwi si mama at na kahit hindi sya ang nakasama ko mag marcha.
Noong 1st year na ako naging kaklase  ko parin si carlo  at sya pa rin ang aking  kasama tuwing  awasan at naging masaya naman ako  nat noong 2nd year na ako hindi kona sya naging kaklase si carlo kasi lumipat na sya nang school  pero may mga kaibigan naman ako nabago at kaugali din nila si carlo naging masaya naman ako . at noong 3rd year na ako nag transfer ako sa col. lauro d. dizon memorial national high school  sa san pablo laguna noong unang  enrolan kinakabahan ako  kasi  wala  pa  akong kilala at wala pa akong kaibigan  at noong unang pasukan nalilito ako kubg saan ang room ko  kaya nagtatanong tanong ako at  natanungan ko si kuya kong anu ang seksyon nya at ang sabe nyi 3-j at nag tanung din sya kong anu ang seksyon ko at ang sabni ko naman 3-j din. at sya nakasama ko at ang panagalan nya ay si wilson cardinosa  at naging masaya ako. kasi nakatira na ako sa aking mga magulang at no9ong mga 3 weeks na madami na din ako naging kaibigan sila sarah jane garcia at edna c. nopia jane lacquin lysa  lahat ng nakaklase ko noong 3rd year ako  naging true friend ko sila lahat  at ang advisert namin noon ay si maam Liza Brion at noong j.s nagiung masaya din ako . at noong 4rth year na ako masaya masaya ako kasi ang bait ng adviser   namin at ang aking mga kaklase at blahat na  teacher ko. at naging kaiiobigan ko sila arida marj. at rose noong j.s namin sobrang  saya ko kasi   madami ang nag sayaw sa akin  at sinayaw ako nang crush ko dyan po nagtatapos.                                        

Miyerkules, Pebrero 22, 2012

Ang Talambuhay ni John Darell A. Alimagno


    Ako ay si John Darell A. Alimagno. pinanganak noong ika-6 ng Marso taong 1996.Ako ay 16 taong gulang. Nagaaral ako sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High school at nagaral ng elementarya sa Placido Escudero Memorial School sa bayan ng Sta.Elena kung saan ako nakatira. Ako ay 4th year high school na ngayon at naging maayos naman ang pagaaral ko.Kami ay apat na magkakapatid,pangatlo ako ako sa amin.Ang panganay ay si Lady Suzette Alimagno, ang pangalawa naman ay si Princess Jade alimagno at ang bunso naman ay si Niel Henry.Ang ate ko na panganay ay tumigil muna sa pagaaral dahil sa hindi na kinayang suportahan ng nanay at tatay ko pangkolehiyo nito kaya ngayon ay nagtatrabaho siya s Sta.Rosa sa isang kainan .      
        Ang pangalawa naman ay nagaapply na rin para magtrabaho.Ang aking ama naman ay si Edmundo Alimagno isang mazon sapat lamang ang kinikita niya pra sa amin kaya kung minsan ay hindi na lamang ako nagsasasama sa mga camping o kaya ay pagtitipon na kinakailangan ng malaking halaga.Ang aking ina naman ay si Irene Alimagno nawalan na siya ng trabaho noong ako ay grade 5 pa lamang.Nagsarado kasi yung pinagtatrabahuhan niyang factory kaya ngayon siya ay nasa bahay ma lamang .Sa Sta.Elena ay maayos kaming namumuhay.Maliit lamang ang aming bahay at ang lupa na kinanatatayuan ng aming bahay ay sa aming lolo na pinamana sa aming ama.Lampas ng sampung taon na kami sa aming bahay.Wala na akong lolo at lola dahil patay na ang mga magulang ni tatay at nanay .Noong bata pa ako ay ipinaampon ng nanay ko ko si Niel Henry ang aking kapatid sa aking tita dahil  wala pa itong anak ,doon na siya lumaki pero tinuturing nya rin kaming tunay na pamilya siya ay gagraduate na ng elementarya sa San Pablo Collages.Pinaampon niya si niel  dahil alam niyang mas magiging maganda angkanyang buhay at mas maiibibigay sa kanya ang gusto niya .Minsan ay binibisita namin siya sa kanilang bahay.


        Kahit noong bata pa ako ay mahilig      na ako sa musika at madalas akong makinig dito.Hangang sa napagisipan kong magaral na gumamit ng instrumento .Napili ko ang paggigitara.Halos hindi ko na bitawan ang gitara paghawak ko ito.Nakagawian ko na itong pangpalipas ng oras,kung minsan naman pag wala akong magawa sa amin ay nalabas ako ng bahay at natambay sa bahay ng aking kabarkada at doon kami nagkekwentuhan.Dito naman sa school ay marami rin akong naging kaibigan.Nagbuo kami ng isang banda,nakakatugtog din naman kami sa school kapag may concert .Matagal ko ng pangarap ang makatugtog sa stage sa harap ng maraming tao at awa naman ng diyos ay natupad din ito.Ako ay nabibilang sa seksyong Galilei.Ang aming tagapayo ay si Mr.Elmer Escala siya ay magaling at mabait na guro siya ay totoong tinatawag na advicer dahil lahat ng sinssabi niya ay tama at para rin mapaunlad ang aming sarili.Madalas paguwi ko galing eskwela ay nagbabasa ako ng kwento sa libro o kayay sa diyaryo.Pero pagtungkol na sa aralin ay tinatamad na akong magbasa.Kaya naman baka mapalang pa ng aking pagtatapos dahil sa mayroon akong dalawang delikadong subject pero pipilitin kong ayusin aty galingan sa delikado kong subject.Ayos din naman na naging tagilid sa subject na iyon para matutoakong maging responsable sa aking pagaaral.Noong ako ay 14 taong gulang ay mahilig akong pumunta sa nga ilog kasama ang aking mga kaibigan sa amin.Kada bakasyon ay hindi kami nawawala doon.Ang ilog na ito ay sa Brgy. Putol kabila ng aming brgy.Marami rin akong naging kaibigan doon.Maliban sa paglalangoy ay mahilig din akong magbasketball.Minsa ay napunta pa kami sa ibang lugar para makipag laro ng basketball.Natulong din naman ako sa mga gawaing bahay bago ako lumaba ay tintapos ko muna ang dapat kong tapusing gawain.Minsan ay natulong din ako sa pagluluto ni nanay ng kanyang mga paninda.Kada fiesta ay lagi kaming naghahanda pasasalamat nadin sa mga biyaya na ibinigay sa amin.Maraming tao kapag fiesta sa amin,maraming napunta sa peryahan at maraming palabas sa may court ng sta. elena.Lagi akong nanunuod ng mga palabas doon..Mayroon pang liga ng basketball kung saan kami nasali ng mga kaibigan ko.Noong isang taon ay nanalo kaming 2nd place sa liga sa amin.Nagpapaorder ang nanay ko ng puto at mga cake.Napaka dami ng naorder sa amin kaya naman umaga pa lamang ng bisperas ng pasko ay dapat nagsisimula na kami.Ganundin kapag bagong taon mas madami ang paorder kaya madaling araw pa lamang ng bisperas ay nagsisimula na kami.Ang kikita namin doon ay pinanghahanda namin sa noche buena at media noche ang mga natirang pera naman ay panggastos namin.Tuwing bakasyon ay napunta kami sa aming tiya sa pila laguna brgy.masico.Doon kam nagbabakasyon ng mga ate ko masaya sa lugar na iyon,mababait ang nga tao at walang kaguluhan doon.Kung saan saan ako nakakapunta.Mahilig akong maggala kaya kung saan saan ako nakakapunta.Mahilig din akong mamili ng mga damit kapag may pera.Gusto ko laging bago ang aking damit kapag may lakad pagmayroon na pambili.Nasama ako sa tatay ko sa trabaho.Naghahkot ako ng mga haloblocks ,naghahalo ng semento,naghahakot ng mga buhangin at nagaabot ng mga gamit ng tatay ko.Nakita ako dito dalawang daan kada araw.Yung pera noong nakarang bakasyon ay pinamili ko gamit sa pagpasok sa school.Mga bag at sapatos at notebook.Minsan pag may bayarin sa school ay ako na ang nagbabayad kapag nakakasama ako sa aking tatay.Dati ay inaalagaan ng nanay ko ang tiya niya na si lola urding sa bahay niya. Malaki ang bahay ni ni lola urding .Si nanay ang nagbabantay sa kanya.                                                                                               

Pero nung umalis na siya papuntang canada ay ayaw na ni nanay na magbantay sa bahay ni lola.Ngayon ay walang nakatira doon.Ang tatay ko ay lumaki sa san anton, doon sila dati nakatira ng lola ko.Marami rin kaming kamaganak  doon kaya lagi kaming nabisita at napunta sa mga kamaganak namin doon.Ang mga kamaganak naman ni nanay ay malayo sa amin.Taga taguig sila kaya iilang beses pa lamang kaming nakakabisita sa kanila.Pero pagnapunta kami doon ay masaya naman kami nilang tinatanggap.Isa rin sa mga kaya kong gawin ay pagguhit  ng mga larawan o kya ay ibat ibang klaseng font.Minsan ay nagtatatoo din ako ng henna sa aking mga kabarkada.Siguro ay naman ko ang pagguhit sa aking ama ,kaso ay nangangatal na ang kanyang mga kamay dahil sa hirap ng trabaho kaya hindi na rin siya marunong gumuhit.Kaming tatlong magkakapatid ay marurunong gumuhit,ang aking isang ate ay nakapagguhit na sa dyaryo ng kanilang school.Magaling din umawit ang ate kong iyon.Kaso ay ayaw niyang magsasali at ipakita ang kanyang galing sa maraming tao dahil nahihiya sya.Dati nung ang nanay ko ay nagtatatrabaho pa sa factory ay maayos at hindi mahirap ang aming buhay.Naibibigay pa niya ang aming gusto,kaso nga lang ay nagsarado na iyon at inilipat sa davao.Hindi na sumama ang nanay ko doon dahil masyadong malayo at mapapalayo siya sa amin.Dahil doon si tatay lamang ang kasama namin.May trabaho din si tatay kaya pagdating ko sa bahay galing school ng alaskwatro ay magisa lang ako sa amin dahil ang dating pa ni tatay ay als singko.Natatakot din si nanay dahil walang gagabay sa amin dahil sa may trabaho din si tatay.Ngayon ay samasama kami kaso ay mahirap ang buhay dahil si tatay lamang ang nakayod.Ang ate ko namang panganay ay hindi naman natulong kina tatay at nanay at pansarili lamang ang iniisip.Nagkanda utangutang sila nanay dahil nagkasakit ang ate kong panganay kaya lagi akong absent noon sa klase kase walang pamasahe kasi uunahin siya at ang kanyang gamot.Gumaling na siya at nagtatrabaho kailangan niya ng perang pang apply noon kaya ang ibang pera na kinita ko sa pagsama sa tatay ko ay naibigay na sa kanya.Hindi naman ako galit sa kanya sana lang ay tulunagn niya ang maga magulang namin dahil siya ang panganay  
          Noong bata pa ako ay may sakit ako sa puso,lagi akong nahihimatay noon at patpatin akong bata.Dahil sa aking sakit ay napilitan si nanay na patigilin muna ako ng pagpasok ng kinder garten.Hindi din nagtagal at nawala rin ang sakit kong iyon at pumasok na ako ng grade 1.Kahit ang aking guro ay ingat na ingat sa akin dahil baka bumalik ang aking sakit.Mabait ang aking guro noon.Siya ay si Gng. Masa.Noong bata pa ako ay gusto kong maging Engineer parin na rin sa tatay ko.Dahil iyon ang pangarap niya na hindi natupad.Kaso ngayon ay mahirap ang buhay at wala pang kasiguraduhan kung makakapasok pa ako ng kolehiyo.Gusto ko sanang magpulis kasp ay ayaw ni nanay.Sabi niya ay magisip na lamang daw ako ng ibang kurso na kukunin.Dahuil pag nakapag trabaho daw ang aking ate jade baka pagaralin ako nito.Siya lamang ang aking inaasahan na magpapaaral sa akin dahil dun sa isa kong kapatid ay walang aasahan.Angate Jade ko ang pinakamabait kong ate kahit lagi ko siyang inaaway ay ayu mabait parin siya sa akin.Lagi siyangmay pasalubong sa akin galing eskwela.Ngayon ay nagaapply na siya ng trabaho sa iasang kompanya.Dahil napatigil din siya ng pagaaral.Sabi niya ay pagnakapagtrabaho siya ay pagaaralin niya ako.Pagnakatapos ako ay si ate Jade ko naman ang aking pagaaralin at tutulungan ko sina nanay at tatay.Patitigilin ko na si tatay sa paghahanapbuhay at ipagtatayo ko sila ng magandang bahay.Dahil naghirap sila para maitaguyod kami kaya tama lamang na pagnakatapos na kami at may kaya na sa buhay ay dapat sila naman ang aming paglingkuran .Iaalis ko na sila sa masikip na lugar na tinitirhan namin ngayon.Pati narin ang mga kamaganak namin ay tutulungan ko.Maswerte ako at napunta ko at napunta ako sa  isang mabuting pamilya at hindi ako pinababayaan.Hindi katulad ng ibang bata na walang bahay at hinahayaang palabuylaboy sa lansangan.Kaya malaki ang aking pasasalamat at napunta ako sa mabuti na pamilya.Kahit pagod na si tatay sa trabaho ay tuloy parin siya kahit matanda.Kaya sabi ko sa kanya ay malapit na akong makapagtrabaho at titigil na siya sa pagtatrabaho at ako na lamang ang magtatrabaho para sa  kanila.Matanda na sina nanayat tatay.Kaya dapat sila ay nagpapahinga na lamang sa bahay.Marami akonhg pangarap sa kanila.Sana ay nandyan pa sila habang tinutupad ko isa isa ang mag pangarap ko para sa kanila kahit mahilig maglasing si tatay ay hindi niya kami sinsaktan katulad ng ibang ama ns nangbubugbog ng anak.Hindi niya nga kamo pinagbubuhatan ng kamay kahit mali ang aming ginagawa.Mahal na mahal ko ang aking pamilya kaya akoy nagsisikap para sa kanila.  

Sabado, Pebrero 18, 2012

Ang Talambuhay ni Kenneth Alimagno

Ang aking Talambuhay
       Ako si Kenneth Lloyd P. Alimagno. Nakatira sa Brgy. Snta. Elena San Pblo City.
Ang aking panganay na kapatid
Ang aking ina
Ako ay labing anim na taong gulang .Ako ay nasa 4rth year high School , nag­-aaral sa mababang paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ang aking mga magulang ay sina Gemma Alimagno at ang akng ama naman ay si Willy Alimagno . Ako ay may tatlong kapatid na babae at ito ay sina Lindsay, Leslie at Lalane . Ang pangalan ng aking panganay na kapatid ay si Lindsay siya ay nasa kolehiyo . Ako ay pangalawa sa aming magkakapatid at ang sumunod sa akin ay a si Leslie siya ay nasa ikaanim na baytang at siya ay graduating ding ngayong taon. Ang aking bunsong kapatid ay si Lalaine siya naman ay nasa ikalmang baytang.
Ang trabaho ng aking ama ay laborer at ang trabaho naman ng aking ina ay Avon dealer siya ay nagdedeliber ng mga paninda ng Avon sa mga tao.
Ako
Marami akong mga kaibigan at lahat sila ay mababait ngunit may isa akong pinakamatalik na kaibigan at ito ay si John Darell Alimagno, siya ay napakabait sakin at lagi niya akong tinutulungan kapag ako ay may problema.
Ako ay may kinaaanibang kapatiran at ito ay Tau Gamma marami kaming naiitulong sa bayan tulad ng paglalagay ng mga parol tuwing darating ang kapaskuhan. Sila rin ang tumutulong sa akin tuwing ako ay nangangailangan.
 Ako ay maraming paborito tulad ng mga laro, pagkain at iba pa. Ang aking paboritong laro ay basketball dahil nakakalibang ito tuwing ako ay walang ginagawa.
Ang paborito ko na namang pagkain ay spaghetti. Ang paborito kong kulay ay kulay ube at itim dahil sa mga kulay na ito ay may roon akong isang tao na hinding-hindi ko makakalimutan dahil siya ay nagbigay inspirayon sa akin.
May isa akong bagay na bagay akong iniingatan dahil ito ay binigay sakin ng aking ama at ito ay ang aking bike mahal na mahal ko ito inaalagaan, wala kahit isa ang makahiram sa akin dahil alam nila na ito ay ikagagalit ko, alaga ko itong linisin tuwing walang pasok at ikinulay ko din dito ay kulay ube at itim. 
Marami na akong karanasang hindi malilimutan tulad ng aking peklat sa may kilay dahil ako ay nakipagaway sa amin, kaaawas ko palang noon galling eskwelahan ng ako ay nakorsunadahan ng mga tambay dahil daw ako ay mayabang hindi ko naman inatrasan dahil baka masabihan akong duwag ako ay nasuntok sa may mata at ito ay nagblockeye hind naman ako pumayag ng hindi nkakaganti at ginamit ko ng aking yabe o tinatawag na 4 finger, mrami nakakita nun samin at ng may umawat ay nasamsam ang aking yabe at dinala kami sa baranggay at doon kami pinag-ayos. 
Laking pasalamat ko nalang at hindi kami napaginis ng bang-bang dahil ganon ang ginagawa sa aming baranggay kapag may mga taong nakakagawa ng kasalanan.
Ang una kong naging gf
Seal ng aking kapatiran
 Ang isa ko pa din hindi malilimutan na karanasan sa aking buhay ay ng kami ay muntik ng mabangga ng isang sasakyan noong kmi ay nagbibike dahi na rin mabilis ang pagpapatkbo ko ng aking bike ay hindi ko namalayan na may dumarating na palang sasakyan buti nalang at naipreno ko agad kung hindi mahahagip sana ako dahil na rin sa kayabangan ako ay namura ng driver at humingi nalng ko ng pasensya.
Tanda ko din noon nung kami ay ngbibike ng nga mga kabarkada ko ay nabot kmi ng ulan at kami ay nagpakabasa na, dahil malakas ang ulan noon at puro sanaw hindi ko napansin ang isang mababaw na balon at ako ay napadaan dahi mbilis din ang patakbo namin nagsyut ang aking bike s balon ako ay tumilapon , hlos mapuno ang aking katawan ng sugat halos maiyak-iyak n ako nun dahil sobrang hapdi ng aking natamong mga sugat, tinulungan ako ng mga kabarkada ko at iniangkas nalng nila ako at yung aking bike ay inakay nalang nila, pagdating ko samin ay napagalitan ako ng aking ama dhil sa nangyari sa akin buti nalang at ako ay pinagtanggol ng aking mga kasama. 
Ang hindi ko rin malilimutan sa aming magkakaibigan ay si Harison siya ay mabait at masayahing tao ngunit iniwan na niya kaming magkakabarkada siya ay sumakabilang buhay na dahil sa kanyang sakit halos kaming magkakabarkada ay umiyak sa pagpanaw niay dahil sa aming magkakatropa walang iwanan at nabawasan kami. 
Ang una ko una namang babaeng minahal at naging girlfiend ay si Rachel Magapi, halos nung unang araw na sinagot niya ako ay tuwang-tuwa ako at hindi ako makatulog. 
Taga rito din siya sa aming baranggay kaya ako ay halos araw-araw na nasa kanila. 
Pinakilala niya ako sa kanyang mga magulang at ako ay hiyang-hiya noon dahil baka ako ay mapagalitan, pumayag naman sila na maging kami at nung unang buwan na naging kame ay niregaluhan ko siya ng teaddy bear. 
Ngunit kami ay naghiwalay din dahil sa hindi pagkakaintindihan at pag-aawayan sa maliit n bagay, simula noon ay hindi na ako nagpakita sa kanya, ngunit dahil taga dito lang din siya sa aming baranggay ay hindi maiiwasan na kami ay magkasalubong, kapag siya ay aking nakakasalubong ay parang simpleng magkakilala lang at nagngingitian. 
Ang sumunod ko namang naging girlfriend ay si Sherlie Motas nakilala ko siya dahil sa aking kaklase dahil pinsan niya ito, siya ay taga Consepcion, siya ang unang babae na pinakilala ko sa aking mga magulang. Noong una ay kinabahan ako dahil baka ako ay mapagalitan ngunit pumayag naman sila sa kanya dahil siya daw ay mabait at magalang, umabot lang kami ng dalawang buwan at naghiwalay din kami naging simpleng magkaibigan nalang kami magkatxt. Simpleng away lang din ang pinagmulan ng aming hindi pagkakaunawaan, minsan-minsan ko nalang siya makita dahil na rin sa malayo kami sa isat-isa. Ang pinagbubuti ko nalang ngayon ay aking pag-aaral dahil ako ngayon ay graduating. 
Kapag dumating na ang araw ng pagtatapos marami akong ala-ala na hindi malilimutan sa aking paaralan ,lalo na ang mga taong naging malapit sa akin, mga kulitan at kapag minsan ay napapagalitan na kami ng aking mga guro. 
Ang isa kong hinding-hind malilimutan sa aking paaralan ay noong ako ay naguidance dahil ako ay napagbintangan na nagsulat ng kabastusan sa polo ng aking kaklase may may roon daw nakakita sa akin na ako ang gumawa noon sa kanya, pinatawag ng guidance councilor ang aking ina ayt kinausap kami, sa sobrang galit ko ay baka kung ano na ang nagawa ko sa aking kaklase na nagsumbong ng mali ng hindi ko naman ginawa, buti ay binalaan ako ng aking guro na kapag may nangyari daw na masama sa kanya ay makikick-out ako kaya hindi ko na itinuloy ang binabalak ko.
 Ngayong darating na Marso sa taong dalawampung libo at labing dalawang taon ay anaasahan ko ang pagtatapos ng mga nasa ikaapat na antas. Magiging malungkot na may halong saya ang araw na iyon dahil maraming mga ala-ala ang hahanap-hanapain namin sa high school life tulad ng mga kakulitan, at magiging masaya sa loob ng apat na taon na ginugol namin ay makakaakyat din kami ng stage at makakatanggap ng diploma. 
Mapalad akong bata dahil nagkaroorn ako ng mga gurong mababait, ngayonng ako ay nasa ikaapat na antas ng sekondarya , una ang aking gurong taga-payo na si sir Caimo Escala, siya ay napakabait na guro at mapagmahal sa kanyang mga estudyante. 
Ang akin namang guro sa inmgles ay si binibining Banzuela madalas man siyang magalit samin dahil madalas kaming nag-iinay sa kanyang klase ay masaya pa din ako dahil siya ang aking naging guro. 
Lahat ng aking guro sa bawat subjet ay iisa ang katangian, lahat sila ay iisa ang katangian lahat sila ay mababait, ngunit may isa akong guro na ako ay idineliver at ito ay si binibining Putungan dahil na rin sa ako ay maingay sa kanyang klase at kapag minsan ay hindi pa ako nakikinig sa kanya kaya siguro ako ay tinuruan ng leksyon at inaayos ko na ngayon ang aking pag-aaral. 
Ang pangarap ko sa aking buhay ay makatapos ng pag-aaral at maging isang sundalo upang matulungan ko ang ang aking mga magulang at mapag-aral ko ang aking dalawang kapatid. 
Gusto kong matulad sa aking magaling at mahusay na na sundalo, marami na siyang natutulungang mga nangangailangan at sa ating bayan. Sisikapin ko na makatapos sa aking pag-aaral upang maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay at masuklian ang lahat ng paghihirap ng aking mga magulang. 
Napakapalad kong bata dahil sila ang aking mga naging mga magulang. 
Nagpapasalamat ako dahil saila ay napakasipag at mapagmahal na magulang. Simple man ang aming pamumuhay ay masaya pa din ako dahil kumpleyo ang aming pmilya at laging masaya.
Ang aking kaibigan

Ang aking ama
Ang aking pangatlong kapatid
Ang aking bunsong kapatid
Sherlie motas

Huwebes, Pebrero 16, 2012

Ang Talambuhay ni Christine Joy J. Hiloma




   






           Ako si Christine Joy Jaca Hiloma. Ako ay ipinanganak noong Agosto 6, 1995 araw ng sabado. Ako ngayon ay labing anim na taong gulang na nag aaral at ngayon ay 4th year  hayskul na. Nakatira ako sa D.I San Francisco Calihan. Ang aking mga magulangang  ay sina Richard Hiloma na aking ama at si Ruby Hiloma na aking ina. Dalawa lang kameng mag kakapatid ako at ang kuya ko na si EdrianHiloma. Noong sanggol pa lang daw ako ay napaka iyakin ko daw nakatira pa kame nun sa banlagin. Si papa nuon ay nag tatrabaho pa sa ibang bansa bilang isang mekaniko at si mama ay sa bahay lang para alagaan kameng mag kapatid. Noong lumipat na kame dito sa D.I Calihan ay kasama na namin si papa. Nag pagawa sila ng bahay dito at dito na kame nanalagi kasama ang lola ko na nanay ni papa. Si papa nuon ay maysakitsa bato. Dahil nga dun sa Saudi siya puro softdrink ang iniinom niya. Noong  tatlong taon palang ako ay namatay na si papa. Dahil nga sa sakit niya sa bato. Hindi ko nga naandaan kung anong naramdaman ko noon ksai maliit pa lang ako. Maagang nawala sakin si papa. Noong may sakit nasi papa ay nag tatrabaho na si mama bilang isang katulong. Inalagaan niya ang isang matanda. Noong namatay nasi papa ay ang lola ko na ang nag aalaga sa akin pati na kay kuya dahil nga nag tatrabaho na si mama at lingguhan lang ang kanyang uwian.

        


            Noong napasok ako ng daycare sa Ramirez ang tita Genina ko ang naghahatid saakin at nagbabantay. Noong kinder naman ako ay sa Centra l nmn ako pumasok hanggang sa mag grade six ako. Noong kinder ako ay sobrang tamihek lang ako. Kilala ko pa nga hanggang ngayon yung teacher ko nun na si ma’am kaharian. Noong nag grade One ako ay si ma’am Rubia naman ang nagging teacher ko. Hatid sundo din ako ng tito ko dahil dun din na pasok ang dalawa niyang anak na lalaki na pinsan ko na si Eugene at Erick. Noong grade Four naman ako ay nagging paborito kung teacher si ma’am Mojica. Napaka bait niyang teacher pero may pag ka strikto lang pag maingay kame. Naaala ko pa nung napili akong sumayaw. Pero hinde naman ako ang Muse nun pero ako parin ang napili nun sa sayaw. Nung sumasayaw na kami kasi Valentine’ Special kasi nun nakalimutan ko yung gloves ko. Ako lang tuloy ang wala nun. Buti na lang may nagpahiram sa aking babae na di ko tanda ang pangalan.pinahiran niya sakin  yung kanya dahil nasa unahan ako at nasa likod siya. Nakapag ferporm naman kami ng maganda nunat sobrang natuwa ako.

           Noong nag gradeSix naman ako ay ang nagging paborito kung guro ay si ma’am Magpantay napaka bait niya ang tinatawag pa niyang pangalan saken ay CJ. Noong  gradeSix ako dun ako marameng natandaang masasayangbagay katulad na lang ng marami akong mga kaibigan pero ang hindi makakalimutan ay ang CAMCY na ang ibig sabihin ay ang pinagsamasama naming mga titik ng aming mga pangalan ng aking mga tunay na kaibigan na sina Andy,Aprille,Michelle at si Ynah lagi kaming masaya at hindi kame nag kaka-away ang malapit saking kaibigan nun ay si cindy  na ngayon ay napasok din sa dizon.  Nung graduation na naming ay sobrang excited na kame nung tatawin na yung pangalan ko ay sobrang excited ko ng abutin yung diploma ko. Ang saya pala ng feeling na ganun  na naka tapos ka. Pag dating sa bahay ay madaming handa kasi kasabay ko din natapos ang pinsan ko na si Erick. Makalipas dalawang  buwan ay enrollan na para sa 1st year ng Col.Lauro D. Dizon Memorial National High Scholl nakakakaba dahil panibagong yugto na naman ito ng aking buhay.  Nung pasukan na ay  tahimik langako nakikiramdam  sa mga katabi ko. At nagulat ako ng may biglang kumausap sa akin siya ay si Amina Dungo ang unang naging kaibigan ko. Natuwa ako sa kanya kasi napaka kulet niya agad at nadagdagan  pa ang mga araw nakilala ko si alice na tahimik at mabait at naging close kami at kami ang lagging mag kadikit. Hanngang sa nadagdagan kaming mag kakaibigan. Naging kaibigan din naming si Jaslem,Jhona at si Diane na naging malapit din sa akin. Lagi kaming mag kasama. Nagka simula na din akong mag ka crush nun na si kuya Wu Chun. Tinatawag kasi naming siyang Wu Chun kasi muka siyang koreano ang cute ng mata niya singkit at kaya kuya Wu Chun kasi 4th year na siya nun. Npapagalitan pa nga kame ni ma’am Belen na adviser namin kasi laging sa bintana kami nakatingin masaya ang naging karanasan konoong  1st year maraming pag babagong naganap, mga kaibigan. Mahilig din kame nung pumunta sa lakepara mag bike pero pag naka jogging pants lang kami. Ang sama naman tingnan ng nakapalda habang nag bibike mahileg din  kame nun kumaen ng  isaw.

           Noong 2nd year na kame ay may napa hiwalay samen bumaba kase ang section ko na dating C ay naging D kaklase ko parin sina Amina,Jasleam at sina alice Alice,Jhona at diane ay nanatiling C pa rin sila. Nakakalungkot kasi nag kahiwalay kame pang umaga sila kami naman ay pang hapon. Na alala ko nun na guidance kame galit nag alit samin si ma’am Dioso an gaming adviser. Napagalitan ako nun ni mama at nag iyak ako may mali kasi kaming nagawa nasuspended kame ng tatlong araw. Nung pumasok na kami naging tahimik kami.hindi kasi kame pinapansin ni ma’am binago na naming ang sarili naming. Puro babae kasi kameng na guidance nun yun ang di ko malilimutan sobrang na diss appoint sakin si mama. Pero pag lipas ng mga araw nawala din ang galit niya. Nasa normal na ulit kaming lagay. Naisipan na din naming mag babarkada na wag na ulit gawin un. Makalipas ang ilang buwan hindi na pumasok si Amina naiwan niya tuloy ako. Dun  nakilala ko sina Jaja,Joy,Joan, at si Siobe naging kaibigan ko sila. Nung 2nd year ako may naging crush ako at yun aysi John Ronald Guieb Palo. Naging kame nun. Kaso parang hindi pa kami masyadong magkalapet. Hanggang mag kahiwalay na kami.


         Noong nag 3rd year na kame nag kasama parin kame ni na Jaja si Jaja na kasi ang naging malapit sa akin. Madaming din kaming masasayang bagay na pinag daanan nun. Hanggang dumating din sa puntong nakilala ko sin a Allen,Senica,Aby at si Shame. Naging kaibigan ko na den sila noon hanggang sa kanila ako napasama sila na ata yung mga kaibigan na naging komportable ako. Minsan lang napapagalitan kame kasi napaka ingay namen. Nakilala ko namansi Edibon Flores. Na naging boyfriend ko. Naging kame ng 3 monhts. Pero nag break din kasi parang wala akong naramdaman sa kanya yung tipong gusto ko lang siya pero iba yung nasa puso ko yung  taong mahal ko. Hanngang sa naging malapet ulet kami ni John Ronald Palo sobrang saya ko. Kasi na realize ko na siya yung mahal ko. Christmas party naming nun masaya kasi parang yung section lang namin ang nag ka meron ng party. Nung hapon nag ka sama kame ni John Ronald. Nag punta kame nun sa ulti kasama ang kanyang kapatid na si Emman. At naging kame ulet nung araw na un December 16,2010 sobrang saya ko nun. Yung araw na din yun pinakilala niya ako sa kuya niya pag katapos hinatid na niya ako pauwe. Marameng masasayang bagay na nang yare ng 3rd year kame.
                 
         Noong 4th year ako bumaba naman ang section ko naging G na ako. Ayos lang naman dahil kasama ko pa rin ang mga kaibigan ko na sina Senica,Allen at Abby. Nung naghahanapan na kame ng section ay may bago na naman pala kaming kaklase panibagong pakikisama na naman. Naging adviser namin si ma'am Calanasan na sobrang bait at mapagmahal parang anak siya kung tumuring sa amen. Mababait din lahat ng naging guro namin sa lahat ng subject. Habang tumatagal na nakikila din namin ang mga ugale ng iba naming kaklaseng bago samin pero lahat sila mabait.At nung binalitang lilipat na kame ng classroom at sa may new building na kame, nabalita rin magpapalit din ng mga guro,nadismaya kame dahil nga gusto namin na sila na yung maging guro namin. At nung nag lipatan na kami hindi naman nabago ang mga guro namin sa ibang subject ang Adviser lang namin ang napalitan ang pumalet kay ma'am Calanasan ay si Sir Elmer Caimo Escala, sa una parang nakakatakot kase nung unang meet namin sa kanya napaka strikto niya lahat ng ayaw niya sinabi niya sa amin. pero nung tumagal tagal napakasaya niya pa lang maging Adviser pinaka paborito ko syang Adviser habang tumatagal din ay nagiging ka close ko na din ang iba kong kaklase sobrang saya pala ng high school. Dito ko naranasan ang masasayang bagay na hindi ko malilimutan.

       Nitong 4th year din ako madalis na din kaming mag kasama ni John Ronald,at naging sobrang lapit na rin namin sa isa't isa gusto ko nga siya na lang ang mamahalin ko hanggang sa huli kasi siya lang ang gusto ko wala nang iba pa. ganyan ko siya kamahal. Sa sobrang kalambingan niya ako nahulog, gustong gusto ko sa kanya yun.

       Sa kabuuang ng talambuhay ko na ito naging masaya at makulay ang buhay ko. Sana hanggang sa pag laki masasaya pa ring bagay ang karugtong ng aking buhay.

Miyerkules, Pebrero 15, 2012

Ang Talambuhay ni Paula Irene Diamante Gutierrez


Ako po si Paula Irene Diamante Gutierrez, ipinanganak noong ika-15 ng Enero taong isang libo siyam naraan siyam na put-anim.akoy ipinanganak sa Lungsod ng San Pablo. anak nina ginoong Mervin Mendaroza Gutierrez at ginang Imelda Masongsong Gutierrez. may isa akong kapatid na isa at ngayon ay nag aaral sa San Lucas 2, sa antas na ikalwa sa edad na walong taon. Ang akina ama ay 38 ang edad ang aking ina ay 35 sa edad.Ako ay nagaral ng kinder garten hanggang sa antas na ikalawa sa Paaralan ng Lungsod ng san pablo sa central school. at sa ikatlong antas akoy nagpatuloy sa san lucas 2 elementary shcool., hanggang akoy nagtapos ng elementarya.at ngayon ako naman ay nananatiling nag aaral sa paaralan ng Lungsod ng San Pablo sa Col Lauro D. Dizon memorial. national high shcool sa ika apat na antas sa sekondarya. marami akong mga naging kaibigan sa bawat antas na dumaraan. mga kalokohan at mga sayang ginagawa natutong mag inom ng patago, mag liwaliw ng mayagal umuuwe ng gabi... at higit sa lahat mga kaingayan at kasiyahan na nsadarama namen  pag magkakasama kami . mga kopyahan ng assingment, saetwork at pagminsan quizes na naggagayahan ngunit patago yan ang ang di ko makakalimutan na mga gawain namin nung 3rd year kami. masayang maging hiskul matututo ka sa buhay, ngunit siniseryoso ang pag aaral. nung nag aaral na kami ng ika apat na antas panibagong kalokohan.


Mga kaibigan kong inuunawa ang tunay na ako masalaw, malakas tumawa ngunit akoy mabait at maalalahanin. Mga kaibigan ko sina  Jennina dati kong bestfriend simula na noong ikalawang antas. Sunod si Vina na ngayong ika-apat na antas ko lamang nakilala maging sina Suzette Vergara, Joy Bombasi, at Daryl Joeseph Pintado nakillala ko rin ssina Jonna Gunday at Gillian Paustine Guia. Masaya kami kahit kokonto kami pito lang kami wala kung kasama ako, si jennina ang pinakamatangkad samin walo,sunod si Joy at ako. Si pintado naman matangakad din ngunit siya naman ay bading.May mga tampuhan din pagminsan pero naaayos din naman ito at napaguusapan ng maayos! Sa buhay pag-ibig ko naman may boy friend ako ang pangalan niya ay Symon Gerrero Hamig,nagtapos siya ng kursong BSEM. Masma edad man siya sakin di ko un problema dahil sabi nga nila age doesn't matter if you love each other.Magmamahal na kong masmatanda sakin kesa sa masbata na kasing edad ko na di ako kayang buhayin. Masuwerte rin ako sa kanya dahil may siguradong na akong kinabukasan na nakalaan. nasa dalawang taon at magtatatlong buwan na kaming magkarelasyon,mabait at maalang siya.Kilala siya ng mga magulang ko at maging ako rin ay kilala sa kanila. Masaya akong naging ako rin ay nakilala sa kanila,Masaya akong naging bahagi ako ng pamilya niya. Sa loob ng 2 taon naming relasyon away bati lang kami ,dahil aminado naman akong selosa ako ,pero mahal namin ang isat isa.Sana mga matupad niya mga pangarap niya para sa amin . Nakatira siya sa Unisan Quezon Province.

Sa buhay pamilya naman masaya kahit di kumpleto , ang tatay ko kasi may dampa na dun siya natutulog. kami naman tatlo sina mama ,gian at ako lang ang natutulog sabahay namin minsan lang kami magkakasama.mabait naman si tatay ko,mahilig lang siya mag-inom ng alak ,hilig din niya ang manigarilyo,magtanim at mag-alaga ng hayop ayon ang pinagkukunan namin ng pang-gastos sa araw araw,pero kulang pa din para sa aming pangangailangan.

Ang mama ko naman ay sobrang bait bunso siya samagkakapatid. Unang apo naman ako sa partido ng tatay ko, kaya isang hinge ko lang kaylolo bigay agad. May maliit na tindahan si mama sa kalapit ng iskul sa amin ng daycare at elementary. Nag-abroad din ang mama ko pero iisang buwan lang siya sa Hongkong,dahil sa istrikta ang amo at perpeksyonista,maldita na rin,kaya di siya nagtagal.Masaya ang pasko namin dahil kumpleto kami, di alintana ang hirap na dumaan, dahil nga siguro sa sobrang bait si mama sumating sa punto na niloko soya ni tatay at nakahanap ng iba na kumakalinga sa kailangan niya at umaalaga sa kanya. Mahirap rin na tanggapin at alamin ang katotohanan ginagwa kong tanggapin iyon kahit masakit bilang isang anak may konting tampo din ako dahil wala siyang trabaho may balak pa siyang mambabae. kahit subsob na sa trabaho si mama ko trabaho pa din, madami siyang pagkukulang bilang ama. Sana magtino siya at maging isang mabuting ama at maging isang responsableng ama sa mga anak,Sana palagi siayang nauwi at wag nag mambabae at amg pinakamasakit pa dun para sa amin ay ang pagtulog niya sa bahay ng babae niya at ang alam ng mga magulang ng babae ay hiwalay na ng limang taon.
Di man totoo masakit ito na tanggapin. Noong dumating si mama sito sa pinas,pinuntahan niya yong babae ni tatay at kinausap ng maayos at lahat pala ng kasinungalingan ay ginawa niya sinabi rin niya na siya ay driver ng LTO. Lahat ng kasinungalingan ay gnawa ,mahirap man tanggapin pero kaingan dahil kahit anong mangyari ama pa rin nmin siya. Pagminsan masaya, pagminsan ok lang pero masarap ang pamilya na kompleto kahit na may prblema at hanggang ngayon di pa rin naayos ang pamilya namin. Di man mayaman sa buhay, di man mayaman sa buhay , wala namang probleama na di malalampasan.

Sa buhay pag-ibig ko naman , masaya rin may nagmamahalan. hanggang sa meron akong naging kakilala na tumira sa tapat ng bahay ni lola si Albert naging friend kami hanggang nag-iba n pla siya ng pagtingin sa akin ,Nagkagusto na pala siya sa akin ,tapos ayon text text na kami , hanggang sa umalis sa kanila para magtrabaho,tapos nagkita uli kami sa di sinasadyang pagkakataon sa wawa pala siya ngtatrabaho. Hanggang sa nagkatext ulit kami,pumunta siya sa amin nadalaw, may mga dala , kasi akala niya break na kami ng bf ko na pinsan niya. Umaasa siya na sasagutin ko siya ,pero friends lang talaga kami bago mag-2012 pumunta siya sa amin may dala siya na cake, mahirap man biguin ang nadarama niya ,mahirap din sakin kasi friends ko siya at napamahal na sin siya sa akin bilang isang kaibigan at nagpapalitan din kami ng cellphone, pero sa kanya iba na pala ang meaning noon, hanggang sa umalis na siya sa kanila at nagbakasyon sa kanila ang pinsan niya at kinuha ang no. q tapos nang ligaw na siya sakin at nagtagal kami ng 2 years and 1 month hanggang sa ngayon, naka punta na din ako sa kanila noon Jan. 16 pag-katapos ng B-day ko, nakakahiya noong dumating ako sa kanila,kinakabahan ,natatakot at naiilang pero ayos lang yon, at napunta din siya dito sa amin kilala siya sa amin ng pamilya ko at tanggap siya , siya ang naging ispirasyon ko habang ako ay nag-aaral , ang pangarap ko kasi ai maging isang chief sa isang sikat na restaurant, ang kukunin ko na course ay HRM ngunit ito ay may kamahalan kaya hindi pa sure, gusto ko talaga kasi makatulong sa kanila balang araw. At ngayon ay nasa ikaapat na antas na ng hi-skul sa seksyon 4 galilie, ang amin adviser ay si Ginoong Elmer Caimo Escala. masaya maging 4 galilei , naging inspiration namin ang lahat ng kanyang mga sinasabi saamin at hindi ko yon makakalimutan sa buong buhay ko . Siya ang gabay namin at dumisiplina sa aming mga anak niya sa paaralan.

Talambuhay ni Jenniña Benitez Garcia


me

papa ko
Unang una sa lahat magpapakilala po muna ako. Ako po si Jenniña Benitez Garcia. Labing anim na taong gulang. Ipinanganak sa Brgy. Concepcion san Pablo city. Pinanganak noong oktubre 13, 1995. Ngayon nakatira sa brgy. Del remedio san Pablo city. Ang aking mga magulang ay sina Jesus Divina Garcia at si Leila Benitez Garcia. Si mama ay apat na magkakapatid siya ay pangatlo sa kanila, at iisa lang lalaki at bunso pa,lahat sila ay may pamilya na pwera lang sa pangalawa nitong kapatid na ngayon ay apat na pot mahigit na taonggulang na ay wala pang asawa. Si papa naman ay pangatlo sa siyam na magkakapatid, lahat sila ay may pamilya na rin maliban lang sa bunso sa lalaki. Si papa ay may kapatid na nabuntis agad ng maaga kaya lalong nagging strikto sa amin. Ako ang panganay sa limang magkakapati na sina amiel, Natalie, Miguel at dawud. Masaya ang aming pamilya kahit na pag minsan mahirap ang buhay. Ikekwento ko po ang aking talambuhay mula po sa simula hanggang sa kasalukuyan. 

noong 7 yrs old
Noong ako ay bata tahimik lang daw ako, tahimik parin naman ako hanggang ngayon sa bahay nga lang. Hanggang sa tumuntong na ko ng elementarya. Tanda ko pa rin ang mga nagging advisers ko noon. Grade 1 mrs. Rubia section bugs bunny. Grade 2 mrs. Fule section avocado.Grade 3 mrs. Azucena kaya lang nakalimutan ko na po ang section. Grade 4 mrs. Malinay section jade.Grde 5 mrs. Alviar section dadansoy at grade 6 mrs. Hernandez. Pinaka paborito kop o ay noong grade 2, 4, at 6. Dahil ang babait po ng mga naging guro ko noon. Noong grade 2 po ako kasi ang bait sobra ng adviser ko dahil pinapayagan kami kung anong gusto naming pero hidi sa oras ng klse. Grade4 dahil nagsimula nap o ako noong sumayaw sa skul. At noong grade 6  dahil para lang kaming magkakapatid noon, miss ko na nga sila eh.
mama ko
Tapos noong bakasyon nag punta kaming purto galera, napakasay dahil ang daming tao, ang ganda ng tanawin , ang daming pwedeng gawin at higit sa lahat ang daming pagkain. Nag snorkling din kami noon nag jet ski at marami pa, kahit na overnight lang kami doon.  Pinaka ayaw ko lang talaga ay nung nangitim ako, ang itim ko na nga lalo pang lumala.
 At dito na pumasok ang hayskul, may pagka excited ako noon pero may halong kaba dahil parag isang bagong buhay, bagong pakikitungo bagong kaibigan at karanasan. First day of school syempre ay diyan na naman ang pagiging mahiyain sa umpisa pero hindi pala. Konti palang ang nakikila ko, pero nang dumaan ang iba pang araw lalong nagging close kami sa isat isa at parang magkakapatid. Wala pa sa isip ko ang pag boboyfriend. Mga friends ko lang muna ang mas binibigyan ko ng pansin at yempre ang pag aaral ko.
Pag dating ko ng 2nd year mas tumindi pa ang relasyon sa mga kaibigan ko, mas close, walang pikunan samga biruan. Walang mga nagkagalit sa loob ng isang taon, meron lang sigurong mga tampuhan, pero saglit lang. Nagkaroon  ako ng boyfriend, syempre 1st ko pero sa first kong yun parang wala lang pero syempre minahal ko , lahat naman ng mga nagging boyfriend ko minahal ko eh. Hindi kami nagtagal siguro mga 3 weeks palang yun, ako nakapag break but it doesn’t mean ako ang may gawa, nagkaroon kasi ng 3rd party, pero ang dahilan niya ay, pinilit lang daw siya ng mga kaibigan niya. At nitong 2nd year din naganap ang pangalawa ong boyfriend na si mac, hindi din kami  nagtagal, 8 days lang kami dahil lagi nalang ako nakatanggi sa kanya, pagkakain, paguuwi  hindi kami sabay, hindi ko alam kung bakit ako ganun. Kaya binereak ko siya kasi bago maging kami , barkada ko siya, kaya mas pinli ko na maging barkada nalang kami, kasi mas ok yun. At pangatlo kong boyfriend, ko na si Rex na umabot ng isang buwan mahigit at naging  Masaya  naman.nagsimula na din akong sumalisa larong taekwondo, sabi nila mahirap daw yun masakit daw sa katawan pero ng itry ko nasiya, tunay siyang mahirap pero, masarap at Masaya siyang gawin.  Dito din ako natuto ngmga masasamang  Gawain tulad ng paninigarilyo, pero hindi ko naman ginawang bisyo iyon parang part of experience lang at pagiinom, 1st time ko noon nung birthaday ng barkada ko. Ang haba ng 2nd year life ko no, hindi panga yan lahat eh. Ang hirap pala magkwento  ng  talambuhay.
JS prom 2010-2011
Pumunta naman tayo sa ikatlong bahagi ng high school life. Masaya din naman, pero na miss ko talaga yung 2nd year. Kaya medyo nanibago ako kaya medyo sad ako nun. Galing pa ibat ibang section pero kahit ganun pinilit kong makarecover. Adviser naming noon si mam Herrera, mabait na adviser kahit minsan matigas ulo namin.
3rd year

fieldtrip 2012
Simulan muna natin noong intramurals ng dizon high sinali ako ng kaibigan ko sa volley ball kahit na hindi ako masyadong magaling sa sports na iyon. Pero natuto ako ng madami at lalong nagpursigengmagpraktis dahil si sir escala ang coach sa  senior level. Naging Masaya naman ang aking intrams. At nung division meet ay syempre ako ay lumaban sa taekwondo. At ginanap iyon sa central gym. Kailangan kong mag pababa ng timbang noon, kaya nung weighing na ang tagal kong nagtatakbo , at nag papawis, hindi din ako kumain ng tanghalian noon hanggang sa matipos ang pagtitimbang. Mas madaming paaralan ang sumali ngayon kaysa noon. Nung sem break naman ay nagbanay ako sa anak na sanggol ng tita ko na bagong anak, lagi akong puyat noon. Kapalitan ko ang aking tita sa umaga, atako ang pang gabi.
Nang mag Christmas party na ami ay ito ang pinaka masayang party sa buong history ng buhay ko, mayroong thrill na mga nangyari, nilagyan ni sir ng puno ng garter ang pintuan namin  para pagpasok mo palang may thrill na, madaming mga naging palaro, tulad ng subuan ng saging, at marami pang iba pero ang pinaka Masaya sa lahat ay ang mga palaro sa labas ng aming silid aralan, yulad ng thug of war, pahabaan ng tao, at marami pa. Masarap din ang mga pagkain namin, tulad ng spaghetti. Grhams, chicken fillet at grahams. Pagod na pagod kami noon, pero sobrang saya.
bangag
Dumaan ang pasko nag simba kami magkakasama ng pamilya, at paguwi sa bahay ay kumain kami ng lagging hinahandang almusal ng lola ko ang   hot chocolate. Hindi ako namasko ng araw na yon nasa bahy lang ako, at konti lang ang napamaskuhan ko pero Masaya naman. Naginom din kami mag pipinsan kasama ang ibang classmate ng isa kong pinsan na taga liceo, pinayagan kami n gaming mga magulang, dahil pasko naman daw. Kinabukasan dec. 26, umalis kami kasama si mama, mga pinsan ko at ang kinakapatisd kong si ryan, nagpunta kami sa bestfriend ng mama ko, na ninang ko, upang bumisita, pero na una kami ng kinakapatid ko na pumunta doon at dahil bumili pa ng regalo si mama para sa anak ng best friend niya. Kumain muna kami at naglaro haha, parang bata. At maggagabi na sin kami nakauwi noon.

new year
new year 2
Noong new year naman ay napkasaya din dahil sama sama kaming pamilya nag paputok ang mga pinsan kong laalki ng fireworks at ang aking lolo, samantalang kami ay naghahanda ng mga pagkain namin. Nagpalobo kami ng kulay puti na mga balloons at ikinalt sa sahig nag sindi naman si lola ng kandila at ang ganda ng naging konsepto.
Ngayong junior and senior promenade- british invasion naman ay isa din sa napakasaya ang araw. Ako ang representative ako ng section naming sa cautilion ng mga estudyante, nandoon din ang aking tito na isa sa mga judge. Nakasayaw ko rin ang  aming adviser, at ang mga classmate ko. Syempre 1st dance ko ang aking boyfriend sa kasalulkuyan. Nag party party din kaming mag babarkada at magkaklase sa dance floor kahit nakakapagod na sulit naman. Nakasayaw ko rin ang aking ex boyfriend na naging ugat ng pagkaselos ng boyfriend ko, kaya kami nag away, pero alam ko masusulusyonan namin yun. Ang drama no. Pagkatapos ng kasiyahan ay pumunta kaming lugaw queen at kumain.at pagkatapos ay umuwi. Sana nasiyahan po kayo sa pagbas ng aking talambuhay.
my auntie
my cousins



my cousins