Ang aking Talambuhay
Ako si Kenneth Lloyd P. Alimagno. Nakatira sa Brgy. Snta. Elena San Pblo City.
 |
Ang aking panganay na kapatid |
 |
Ang aking ina |
Ako ay labing anim na
taong gulang .Ako ay nasa 4rth year high School , nag-aaral sa mababang paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ang aking mga magulang ay sina Gemma Alimagno at ang akng ama naman ay si Willy Alimagno . Ako ay may tatlong kapatid na babae at ito ay sina Lindsay, Leslie at Lalane . Ang pangalan ng aking panganay na kapatid ay si Lindsay siya ay nasa kolehiyo . Ako ay pangalawa sa aming magkakapatid at ang sumunod sa akin ay a si Leslie siya ay nasa ikaanim na baytang at siya ay graduating ding ngayong taon. Ang aking bunsong kapatid ay si Lalaine siya naman ay nasa ikalmang baytang.
Ang trabaho ng aking ama ay laborer at ang trabaho naman ng aking ina ay Avon dealer siya ay nagdedeliber ng mga paninda ng Avon sa mga tao.
 |
Ako |
Marami akong mga kaibigan at lahat sila ay mababait ngunit may isa akong pinakamatalik na kaibigan at ito ay si John Darell Alimagno, siya ay napakabait sakin at lagi niya akong tinutulungan kapag ako ay may problema.
Ako ay may kinaaanibang kapatiran at ito ay Tau Gamma marami kaming naiitulong sa bayan tulad ng paglalagay ng mga parol tuwing darating ang kapaskuhan. Sila rin ang tumutulong sa akin tuwing ako ay nangangailangan.
Ako ay maraming paborito tulad ng mga laro, pagkain at iba pa. Ang aking paboritong laro ay basketball dahil nakakalibang ito tuwing ako ay walang ginagawa.
Ang paborito ko na namang pagkain ay spaghetti. Ang paborito kong kulay ay kulay ube at itim dahil sa mga kulay na ito ay may roon akong isang tao na hinding-hindi ko makakalimutan dahil siya ay nagbigay inspirayon sa akin.
May isa akong bagay na bagay akong iniingatan dahil ito ay binigay sakin ng aking ama at ito ay ang aking bike mahal na mahal ko ito inaalagaan, wala kahit isa ang makahiram sa akin dahil alam nila na ito ay ikagagalit ko, alaga ko itong linisin tuwing walang pasok at ikinulay ko din dito ay kulay ube at itim.
Marami na akong karanasang hindi malilimutan tulad ng aking peklat sa may kilay dahil ako ay nakipagaway sa amin, kaaawas ko palang noon galling eskwelahan ng ako ay nakorsunadahan ng mga tambay dahil daw ako ay mayabang hindi ko naman inatrasan dahil baka masabihan akong duwag ako ay nasuntok sa may mata at ito ay nagblockeye hind naman ako pumayag ng hindi nkakaganti at ginamit ko ng aking yabe o tinatawag na 4 finger, mrami nakakita nun samin at ng may umawat ay nasamsam ang aking yabe at dinala kami sa baranggay at doon kami pinag-ayos.
Laking pasalamat ko nalang at hindi kami napaginis ng bang-bang dahil ganon ang ginagawa sa aming baranggay kapag may mga taong nakakagawa ng kasalanan.
 |
Ang una kong naging gf |
 |
Seal ng aking kapatiran |
Ang isa ko pa din hindi malilimutan na karanasan sa aking buhay ay ng kami ay muntik ng mabangga ng isang sasakyan noong kmi ay nagbibike dahi na rin mabilis ang pagpapatkbo ko ng aking bike ay hindi ko namalayan na may dumarating na palang sasakyan buti nalang at naipreno ko agad kung hindi mahahagip sana ako dahil na rin sa kayabangan ako ay namura ng driver at humingi nalng ko ng pasensya.
Tanda ko din noon nung kami ay ngbibike ng nga mga kabarkada ko ay nabot kmi ng ulan at kami ay nagpakabasa na, dahil malakas ang ulan noon at puro sanaw hindi ko napansin ang isang mababaw na balon at ako ay napadaan dahi mbilis din ang patakbo namin nagsyut ang aking bike s balon ako ay tumilapon , hlos mapuno ang aking katawan ng sugat halos maiyak-iyak n ako nun dahil sobrang hapdi ng aking natamong mga sugat, tinulungan ako ng mga kabarkada ko at iniangkas nalng nila ako at yung aking bike ay inakay nalang nila, pagdating ko samin ay napagalitan ako ng aking ama dhil sa nangyari sa akin buti nalang at ako ay pinagtanggol ng aking mga kasama.
Ang hindi ko rin malilimutan sa aming magkakaibigan ay si Harison siya ay mabait at masayahing tao ngunit iniwan na niya kaming magkakabarkada siya ay sumakabilang buhay na dahil sa kanyang sakit halos kaming magkakabarkada ay umiyak sa pagpanaw niay dahil sa aming magkakatropa walang iwanan at nabawasan kami.
Ang una ko una namang babaeng minahal at naging girlfiend ay si Rachel Magapi, halos nung unang araw na sinagot niya ako ay tuwang-tuwa ako at hindi ako makatulog.
Taga rito din siya sa aming baranggay kaya ako ay halos araw-araw na nasa kanila.
Pinakilala niya ako sa kanyang mga magulang at ako ay hiyang-hiya noon dahil baka ako ay mapagalitan, pumayag naman sila na maging kami at nung unang buwan na naging kame ay niregaluhan ko siya ng teaddy bear.
Ngunit kami ay naghiwalay din dahil sa hindi pagkakaintindihan at pag-aawayan sa maliit n bagay, simula noon ay hindi na ako nagpakita sa kanya, ngunit dahil taga dito lang din siya sa aming baranggay ay hindi maiiwasan na kami ay magkasalubong, kapag siya ay aking nakakasalubong ay parang simpleng magkakilala lang at nagngingitian.
Ang sumunod ko namang naging girlfriend ay si Sherlie Motas nakilala ko siya dahil sa aking kaklase dahil pinsan niya ito, siya ay taga Consepcion, siya ang unang babae na pinakilala ko sa aking mga magulang. Noong una ay kinabahan ako dahil baka ako ay mapagalitan ngunit pumayag naman sila sa kanya dahil siya daw ay mabait at magalang, umabot lang kami ng dalawang buwan at naghiwalay din kami naging simpleng magkaibigan nalang kami magkatxt. Simpleng away lang din ang pinagmulan ng aming hindi pagkakaunawaan, minsan-minsan ko nalang siya makita dahil na rin sa malayo kami sa isat-isa. Ang pinagbubuti ko nalang ngayon ay aking pag-aaral dahil ako ngayon ay graduating.
Kapag dumating na ang araw ng pagtatapos marami akong ala-ala na hindi malilimutan sa aking paaralan ,lalo na ang mga taong naging malapit sa akin, mga kulitan at kapag minsan ay napapagalitan na kami ng aking mga guro.
Ang isa kong hinding-hind malilimutan sa aking paaralan ay noong ako ay naguidance dahil ako ay napagbintangan na nagsulat ng kabastusan sa polo ng aking kaklase may may roon daw nakakita sa akin na ako ang gumawa noon sa kanya, pinatawag ng guidance councilor ang aking ina ayt kinausap kami, sa sobrang galit ko ay baka kung ano na ang nagawa ko sa aking kaklase na nagsumbong ng mali ng hindi ko naman ginawa, buti ay binalaan ako ng aking guro na kapag may nangyari daw na masama sa kanya ay makikick-out ako kaya hindi ko na itinuloy ang binabalak ko.
Ngayong darating na Marso sa taong dalawampung libo at labing dalawang taon ay anaasahan ko ang pagtatapos ng mga nasa ikaapat na antas. Magiging malungkot na may halong saya ang araw na iyon dahil maraming mga ala-ala ang hahanap-hanapain namin sa high school life tulad ng mga kakulitan, at magiging masaya sa loob ng apat na taon na ginugol namin ay makakaakyat din kami ng stage at makakatanggap ng diploma.
Mapalad akong bata dahil nagkaroorn ako ng mga gurong mababait, ngayonng ako ay nasa ikaapat na antas ng sekondarya , una ang aking gurong taga-payo na si sir Caimo Escala, siya ay napakabait na guro at mapagmahal sa kanyang mga estudyante.
Ang akin namang guro sa inmgles ay si binibining Banzuela madalas man siyang magalit samin dahil madalas kaming nag-iinay sa kanyang klase ay masaya pa din ako dahil siya ang aking naging guro.
Lahat ng aking guro sa bawat subjet ay iisa ang katangian, lahat sila ay iisa ang katangian lahat sila ay mababait, ngunit may isa akong guro na ako ay idineliver at ito ay si binibining Putungan dahil na rin sa ako ay maingay sa kanyang klase at kapag minsan ay hindi pa ako nakikinig sa kanya kaya siguro ako ay tinuruan ng leksyon at inaayos ko na ngayon ang aking pag-aaral.
Ang pangarap ko sa aking buhay ay makatapos ng pag-aaral at maging isang sundalo upang matulungan ko ang ang aking mga magulang at mapag-aral ko ang aking dalawang kapatid.
Gusto kong matulad sa aking magaling at mahusay na na sundalo, marami na siyang natutulungang mga nangangailangan at sa ating bayan. Sisikapin ko na makatapos sa aking pag-aaral upang maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay at masuklian ang lahat ng paghihirap ng aking mga magulang.
Napakapalad kong bata dahil sila ang aking mga naging mga magulang.
Nagpapasalamat ako dahil saila ay napakasipag at mapagmahal na magulang. Simple man ang aming pamumuhay ay masaya pa din ako dahil kumpleyo ang aming pmilya at laging masaya.
 |
Ang aking kaibigan |
 |
Ang aking ama |
 |
Ang aking pangatlong kapatid |
 |
Ang aking bunsong kapatid |
.jpg) |
Sherlie motas |