 |
me |
 |
papa ko |
Unang una sa lahat magpapakilala
po muna ako. Ako po si Jenniña Benitez Garcia. Labing anim na taong gulang. Ipinanganak sa Brgy. Concepcion san Pablo city. Pinanganak noong oktubre 13,
1995. Ngayon nakatira sa brgy. Del remedio san Pablo city. Ang aking mga
magulang ay sina Jesus Divina Garcia at si Leila Benitez Garcia. Si mama ay
apat na magkakapatid siya ay pangatlo sa kanila, at iisa lang lalaki at bunso
pa,lahat sila ay may pamilya na pwera lang sa pangalawa nitong kapatid na
ngayon ay apat na pot mahigit na taonggulang na ay wala pang asawa. Si papa
naman ay pangatlo sa siyam na magkakapatid, lahat sila ay may pamilya na rin
maliban lang sa bunso sa lalaki. Si papa ay may kapatid na nabuntis agad ng
maaga kaya lalong nagging strikto sa amin. Ako ang panganay sa limang
magkakapati na sina amiel, Natalie, Miguel at dawud. Masaya ang aming pamilya
kahit na pag minsan mahirap ang buhay. Ikekwento ko po ang aking talambuhay
mula po sa simula hanggang sa kasalukuyan.
 |
noong 7 yrs old |
Noong ako ay bata tahimik lang
daw ako, tahimik parin naman ako hanggang ngayon sa bahay nga lang. Hanggang sa
tumuntong na ko ng elementarya. Tanda ko pa rin ang mga nagging advisers ko
noon. Grade 1 mrs. Rubia section bugs bunny. Grade 2 mrs. Fule section avocado.Grade 3 mrs. Azucena kaya lang nakalimutan ko na po ang section. Grade 4 mrs. Malinay
section jade.Grde 5 mrs. Alviar section dadansoy at grade 6 mrs. Hernandez. Pinaka
paborito kop o ay noong grade 2, 4, at 6. Dahil ang babait po ng mga naging guro
ko noon. Noong grade 2 po ako kasi ang bait sobra ng adviser ko dahil
pinapayagan kami kung anong gusto naming pero hidi sa oras ng klse. Grade4
dahil nagsimula nap o ako noong sumayaw sa skul. At noong grade 6 dahil para lang kaming magkakapatid noon, miss
ko na nga sila eh.
 |
mama ko |
Tapos noong bakasyon nag punta
kaming purto galera, napakasay dahil ang daming tao, ang ganda ng tanawin , ang
daming pwedeng gawin at higit sa lahat ang daming pagkain. Nag snorkling din
kami noon nag jet ski at marami pa, kahit na overnight lang kami doon. Pinaka ayaw ko lang talaga ay nung nangitim
ako, ang itim ko na nga lalo pang lumala.
At dito na pumasok ang hayskul, may pagka excited
ako noon pero may halong kaba dahil parag isang bagong buhay, bagong
pakikitungo bagong kaibigan at karanasan. First day of school syempre ay diyan
na naman ang pagiging mahiyain sa umpisa pero hindi pala. Konti palang ang
nakikila ko, pero nang dumaan ang iba pang araw lalong nagging close kami sa
isat isa at parang magkakapatid. Wala pa sa isip ko ang pag boboyfriend. Mga friends
ko lang muna ang mas binibigyan ko ng pansin at yempre ang pag aaral ko.
Pag dating ko ng 2nd
year mas tumindi pa ang relasyon sa mga kaibigan ko, mas close, walang pikunan
samga biruan. Walang mga nagkagalit sa loob ng isang taon, meron lang sigurong
mga tampuhan, pero saglit lang. Nagkaroon ako ng boyfriend, syempre 1st ko
pero sa first kong yun parang wala lang pero syempre minahal ko , lahat naman
ng mga nagging boyfriend ko minahal ko eh. Hindi kami nagtagal siguro mga 3
weeks palang yun, ako nakapag break but it doesn’t mean ako ang may gawa,
nagkaroon kasi ng 3rd party, pero ang dahilan niya ay, pinilit lang
daw siya ng mga kaibigan niya. At nitong 2nd year din naganap ang
pangalawa ong boyfriend na si mac, hindi din kami nagtagal, 8 days lang kami dahil lagi nalang
ako nakatanggi sa kanya, pagkakain, paguuwi hindi kami sabay, hindi ko alam kung bakit ako
ganun. Kaya binereak ko siya kasi bago maging kami , barkada ko siya, kaya mas
pinli ko na maging barkada nalang kami, kasi mas ok yun. At pangatlo kong boyfriend,
ko na si Rex na umabot ng isang buwan mahigit at naging Masaya naman.nagsimula
na din akong sumalisa larong taekwondo, sabi nila mahirap daw yun masakit daw
sa katawan pero ng itry ko nasiya, tunay siyang mahirap pero, masarap at Masaya
siyang gawin. Dito din ako natuto ngmga
masasamang Gawain tulad ng
paninigarilyo, pero hindi ko naman ginawang bisyo iyon parang part of
experience lang at pagiinom, 1st time ko noon nung birthaday ng
barkada ko. Ang haba ng 2nd year life ko no, hindi panga yan lahat
eh. Ang hirap pala magkwento ng talambuhay.
 |
JS prom 2010-2011 |
Pumunta naman tayo sa ikatlong
bahagi ng high school life. Masaya din naman, pero na miss ko talaga yung 2nd
year. Kaya medyo nanibago ako kaya medyo sad ako nun. Galing pa ibat ibang
section pero kahit ganun pinilit kong makarecover. Adviser naming noon si mam Herrera,
mabait na adviser kahit minsan matigas ulo namin.
 |
3rd year |
 |
fieldtrip 2012 |
Simulan muna natin noong
intramurals ng dizon high sinali ako ng kaibigan ko sa volley ball kahit na
hindi ako masyadong magaling sa sports na iyon. Pero natuto ako ng madami at
lalong nagpursigengmagpraktis dahil si sir escala ang coach sa senior level. Naging Masaya naman ang aking
intrams. At nung division meet ay syempre ako ay lumaban sa taekwondo. At ginanap
iyon sa central gym. Kailangan kong mag pababa ng timbang noon, kaya nung
weighing na ang tagal kong nagtatakbo , at nag papawis, hindi din ako kumain ng
tanghalian noon hanggang sa matipos ang pagtitimbang. Mas madaming paaralan ang
sumali ngayon kaysa noon. Nung sem break naman ay nagbanay ako sa anak na
sanggol ng tita ko na bagong anak, lagi akong puyat noon. Kapalitan ko ang
aking tita sa umaga, atako ang pang gabi.
Nang mag Christmas party na ami
ay ito ang pinaka masayang party sa buong history ng buhay ko, mayroong thrill
na mga nangyari, nilagyan ni sir ng puno ng garter ang pintuan namin para pagpasok mo palang may thrill na,
madaming mga naging palaro, tulad ng subuan ng saging, at marami pang iba pero
ang pinaka Masaya sa lahat ay ang mga palaro sa labas ng aming silid aralan,
yulad ng thug of war, pahabaan ng tao, at marami pa. Masarap din ang mga
pagkain namin, tulad ng spaghetti. Grhams, chicken fillet at grahams. Pagod na
pagod kami noon, pero sobrang saya.
 |
bangag |
Dumaan ang pasko nag simba kami magkakasama
ng pamilya, at paguwi sa bahay ay kumain kami ng lagging hinahandang almusal ng
lola ko ang hot chocolate. Hindi ako namasko ng araw na
yon nasa bahy lang ako, at konti lang ang napamaskuhan ko pero Masaya naman. Naginom
din kami mag pipinsan kasama ang ibang classmate ng isa kong pinsan na taga
liceo, pinayagan kami n gaming mga magulang, dahil pasko naman daw. Kinabukasan
dec. 26, umalis kami kasama si mama, mga pinsan ko at ang kinakapatisd kong si
ryan, nagpunta kami sa bestfriend ng mama ko, na ninang ko, upang bumisita,
pero na una kami ng kinakapatid ko na pumunta doon at dahil bumili pa ng regalo
si mama para sa anak ng best friend niya. Kumain muna kami at naglaro haha,
parang bata. At maggagabi na sin kami nakauwi noon.
 |
new year |
 |
new year 2 |
Noong new year naman ay
napkasaya din dahil sama sama kaming pamilya nag paputok ang mga pinsan kong
laalki ng fireworks at ang aking lolo, samantalang kami ay naghahanda ng mga
pagkain namin. Nagpalobo kami ng kulay puti na mga balloons at ikinalt sa sahig
nag sindi naman si lola ng kandila at ang ganda ng naging konsepto.
Ngayong junior and senior
promenade- british invasion naman ay isa din sa napakasaya ang araw. Ako ang
representative ako ng section naming sa cautilion ng mga estudyante, nandoon
din ang aking tito na isa sa mga judge. Nakasayaw ko rin ang aming adviser, at ang mga classmate ko. Syempre
1
st dance ko ang aking boyfriend sa kasalulkuyan. Nag party party
din kaming mag babarkada at magkaklase sa dance floor kahit nakakapagod na
sulit naman. Nakasayaw ko rin ang aking ex boyfriend na naging ugat ng
pagkaselos ng boyfriend ko, kaya kami nag away, pero alam ko masusulusyonan namin
yun. Ang drama no. Pagkatapos ng kasiyahan ay pumunta kaming lugaw queen at
kumain.at pagkatapos ay umuwi. Sana nasiyahan po kayo sa pagbas ng aking
talambuhay.
 |
my auntie |
 |
my cousins
|
 |
my cousins |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento