Huwebes, Pebrero 16, 2012

Ang Talambuhay ni Christine Joy J. Hiloma




   






           Ako si Christine Joy Jaca Hiloma. Ako ay ipinanganak noong Agosto 6, 1995 araw ng sabado. Ako ngayon ay labing anim na taong gulang na nag aaral at ngayon ay 4th year  hayskul na. Nakatira ako sa D.I San Francisco Calihan. Ang aking mga magulangang  ay sina Richard Hiloma na aking ama at si Ruby Hiloma na aking ina. Dalawa lang kameng mag kakapatid ako at ang kuya ko na si EdrianHiloma. Noong sanggol pa lang daw ako ay napaka iyakin ko daw nakatira pa kame nun sa banlagin. Si papa nuon ay nag tatrabaho pa sa ibang bansa bilang isang mekaniko at si mama ay sa bahay lang para alagaan kameng mag kapatid. Noong lumipat na kame dito sa D.I Calihan ay kasama na namin si papa. Nag pagawa sila ng bahay dito at dito na kame nanalagi kasama ang lola ko na nanay ni papa. Si papa nuon ay maysakitsa bato. Dahil nga dun sa Saudi siya puro softdrink ang iniinom niya. Noong  tatlong taon palang ako ay namatay na si papa. Dahil nga sa sakit niya sa bato. Hindi ko nga naandaan kung anong naramdaman ko noon ksai maliit pa lang ako. Maagang nawala sakin si papa. Noong may sakit nasi papa ay nag tatrabaho na si mama bilang isang katulong. Inalagaan niya ang isang matanda. Noong namatay nasi papa ay ang lola ko na ang nag aalaga sa akin pati na kay kuya dahil nga nag tatrabaho na si mama at lingguhan lang ang kanyang uwian.

        


            Noong napasok ako ng daycare sa Ramirez ang tita Genina ko ang naghahatid saakin at nagbabantay. Noong kinder naman ako ay sa Centra l nmn ako pumasok hanggang sa mag grade six ako. Noong kinder ako ay sobrang tamihek lang ako. Kilala ko pa nga hanggang ngayon yung teacher ko nun na si ma’am kaharian. Noong nag grade One ako ay si ma’am Rubia naman ang nagging teacher ko. Hatid sundo din ako ng tito ko dahil dun din na pasok ang dalawa niyang anak na lalaki na pinsan ko na si Eugene at Erick. Noong grade Four naman ako ay nagging paborito kung teacher si ma’am Mojica. Napaka bait niyang teacher pero may pag ka strikto lang pag maingay kame. Naaala ko pa nung napili akong sumayaw. Pero hinde naman ako ang Muse nun pero ako parin ang napili nun sa sayaw. Nung sumasayaw na kami kasi Valentine’ Special kasi nun nakalimutan ko yung gloves ko. Ako lang tuloy ang wala nun. Buti na lang may nagpahiram sa aking babae na di ko tanda ang pangalan.pinahiran niya sakin  yung kanya dahil nasa unahan ako at nasa likod siya. Nakapag ferporm naman kami ng maganda nunat sobrang natuwa ako.

           Noong nag gradeSix naman ako ay ang nagging paborito kung guro ay si ma’am Magpantay napaka bait niya ang tinatawag pa niyang pangalan saken ay CJ. Noong  gradeSix ako dun ako marameng natandaang masasayangbagay katulad na lang ng marami akong mga kaibigan pero ang hindi makakalimutan ay ang CAMCY na ang ibig sabihin ay ang pinagsamasama naming mga titik ng aming mga pangalan ng aking mga tunay na kaibigan na sina Andy,Aprille,Michelle at si Ynah lagi kaming masaya at hindi kame nag kaka-away ang malapit saking kaibigan nun ay si cindy  na ngayon ay napasok din sa dizon.  Nung graduation na naming ay sobrang excited na kame nung tatawin na yung pangalan ko ay sobrang excited ko ng abutin yung diploma ko. Ang saya pala ng feeling na ganun  na naka tapos ka. Pag dating sa bahay ay madaming handa kasi kasabay ko din natapos ang pinsan ko na si Erick. Makalipas dalawang  buwan ay enrollan na para sa 1st year ng Col.Lauro D. Dizon Memorial National High Scholl nakakakaba dahil panibagong yugto na naman ito ng aking buhay.  Nung pasukan na ay  tahimik langako nakikiramdam  sa mga katabi ko. At nagulat ako ng may biglang kumausap sa akin siya ay si Amina Dungo ang unang naging kaibigan ko. Natuwa ako sa kanya kasi napaka kulet niya agad at nadagdagan  pa ang mga araw nakilala ko si alice na tahimik at mabait at naging close kami at kami ang lagging mag kadikit. Hanngang sa nadagdagan kaming mag kakaibigan. Naging kaibigan din naming si Jaslem,Jhona at si Diane na naging malapit din sa akin. Lagi kaming mag kasama. Nagka simula na din akong mag ka crush nun na si kuya Wu Chun. Tinatawag kasi naming siyang Wu Chun kasi muka siyang koreano ang cute ng mata niya singkit at kaya kuya Wu Chun kasi 4th year na siya nun. Npapagalitan pa nga kame ni ma’am Belen na adviser namin kasi laging sa bintana kami nakatingin masaya ang naging karanasan konoong  1st year maraming pag babagong naganap, mga kaibigan. Mahilig din kame nung pumunta sa lakepara mag bike pero pag naka jogging pants lang kami. Ang sama naman tingnan ng nakapalda habang nag bibike mahileg din  kame nun kumaen ng  isaw.

           Noong 2nd year na kame ay may napa hiwalay samen bumaba kase ang section ko na dating C ay naging D kaklase ko parin sina Amina,Jasleam at sina alice Alice,Jhona at diane ay nanatiling C pa rin sila. Nakakalungkot kasi nag kahiwalay kame pang umaga sila kami naman ay pang hapon. Na alala ko nun na guidance kame galit nag alit samin si ma’am Dioso an gaming adviser. Napagalitan ako nun ni mama at nag iyak ako may mali kasi kaming nagawa nasuspended kame ng tatlong araw. Nung pumasok na kami naging tahimik kami.hindi kasi kame pinapansin ni ma’am binago na naming ang sarili naming. Puro babae kasi kameng na guidance nun yun ang di ko malilimutan sobrang na diss appoint sakin si mama. Pero pag lipas ng mga araw nawala din ang galit niya. Nasa normal na ulit kaming lagay. Naisipan na din naming mag babarkada na wag na ulit gawin un. Makalipas ang ilang buwan hindi na pumasok si Amina naiwan niya tuloy ako. Dun  nakilala ko sina Jaja,Joy,Joan, at si Siobe naging kaibigan ko sila. Nung 2nd year ako may naging crush ako at yun aysi John Ronald Guieb Palo. Naging kame nun. Kaso parang hindi pa kami masyadong magkalapet. Hanggang mag kahiwalay na kami.


         Noong nag 3rd year na kame nag kasama parin kame ni na Jaja si Jaja na kasi ang naging malapit sa akin. Madaming din kaming masasayang bagay na pinag daanan nun. Hanggang dumating din sa puntong nakilala ko sin a Allen,Senica,Aby at si Shame. Naging kaibigan ko na den sila noon hanggang sa kanila ako napasama sila na ata yung mga kaibigan na naging komportable ako. Minsan lang napapagalitan kame kasi napaka ingay namen. Nakilala ko namansi Edibon Flores. Na naging boyfriend ko. Naging kame ng 3 monhts. Pero nag break din kasi parang wala akong naramdaman sa kanya yung tipong gusto ko lang siya pero iba yung nasa puso ko yung  taong mahal ko. Hanngang sa naging malapet ulet kami ni John Ronald Palo sobrang saya ko. Kasi na realize ko na siya yung mahal ko. Christmas party naming nun masaya kasi parang yung section lang namin ang nag ka meron ng party. Nung hapon nag ka sama kame ni John Ronald. Nag punta kame nun sa ulti kasama ang kanyang kapatid na si Emman. At naging kame ulet nung araw na un December 16,2010 sobrang saya ko nun. Yung araw na din yun pinakilala niya ako sa kuya niya pag katapos hinatid na niya ako pauwe. Marameng masasayang bagay na nang yare ng 3rd year kame.
                 
         Noong 4th year ako bumaba naman ang section ko naging G na ako. Ayos lang naman dahil kasama ko pa rin ang mga kaibigan ko na sina Senica,Allen at Abby. Nung naghahanapan na kame ng section ay may bago na naman pala kaming kaklase panibagong pakikisama na naman. Naging adviser namin si ma'am Calanasan na sobrang bait at mapagmahal parang anak siya kung tumuring sa amen. Mababait din lahat ng naging guro namin sa lahat ng subject. Habang tumatagal na nakikila din namin ang mga ugale ng iba naming kaklaseng bago samin pero lahat sila mabait.At nung binalitang lilipat na kame ng classroom at sa may new building na kame, nabalita rin magpapalit din ng mga guro,nadismaya kame dahil nga gusto namin na sila na yung maging guro namin. At nung nag lipatan na kami hindi naman nabago ang mga guro namin sa ibang subject ang Adviser lang namin ang napalitan ang pumalet kay ma'am Calanasan ay si Sir Elmer Caimo Escala, sa una parang nakakatakot kase nung unang meet namin sa kanya napaka strikto niya lahat ng ayaw niya sinabi niya sa amin. pero nung tumagal tagal napakasaya niya pa lang maging Adviser pinaka paborito ko syang Adviser habang tumatagal din ay nagiging ka close ko na din ang iba kong kaklase sobrang saya pala ng high school. Dito ko naranasan ang masasayang bagay na hindi ko malilimutan.

       Nitong 4th year din ako madalis na din kaming mag kasama ni John Ronald,at naging sobrang lapit na rin namin sa isa't isa gusto ko nga siya na lang ang mamahalin ko hanggang sa huli kasi siya lang ang gusto ko wala nang iba pa. ganyan ko siya kamahal. Sa sobrang kalambingan niya ako nahulog, gustong gusto ko sa kanya yun.

       Sa kabuuang ng talambuhay ko na ito naging masaya at makulay ang buhay ko. Sana hanggang sa pag laki masasaya pa ring bagay ang karugtong ng aking buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento