Martes, Pebrero 14, 2012

Ang Talambuhay ni rosemarie


Ang  Aking Talambuhay
ako eto ngayon.
Ako si Rosemarie Lindo , 16 years old , pinanganak noong May 7, 1995.  Nalitira sa Brgy. Sta Cruz putol.  Ako ay bunsong anak sa lahat ng magkakapatid, ako ay may kakambal pero siya ang una sa akin kaya siya ang mas matanda sa akin.  Anim kaming magkakapatid, limang babae at isang lalake.  Ang pangalan nila ay sina Lea, Cristine, Reymon, Michelle, Rochelle.  Isa lang ang may asawa si ate Michelle.  Ang aking magulang naman ay ang trabaho ay isang farmer at vendor sa aming Brgy.  Iniahon nila kami sa kahirapan at ginawa nila ang lahat para makapag-aral kami.  Bago ang lahat, noong bata pa lamang ako, ako ay napasok sa kinder sa aming Brgy.  Kasabay ko aking kakambal, hindi na kami naka graduate ng kinder at inilipat na agad kami sa grade 1.  Halos wala pa akong alam sa pagbabasa, lagi kaming magkatabi sa upuan pag hindi ko alam ang sagot tinatanong ko sa kanya, eh ayaw akong  tulungan kaya naman napagpasyahan ng aming magulang na huwag ng isabay sa kambal ko.

family picture.

Bumalik muli akong grade 1 at siya naman ay grade2 na,  pero ayus lang sa akin kasi nang nag kahiwalay kami mas marami akong natutunan, maging sa classroom may naiisagot na ako, at ako pa ang inilalaban sa mga contest sa ibat-ibang paaralan, maging sa pampalakasan at sayawan sumasali ako.  Hanggang sa nakatapos din ako ng grade2, 3, nag uumpisa na ang pag babago sa pisikal na anyo ko nang tumungtong ako sa grade 4 mas marami akong natutunan sa kalinisan ng kapaligioran, at kalinisan narin sa aking pangagatawan.  Mas marami akong kaibigan dahil yung iba ay transfer at nagiging kaibigan ko, at nang grade 5 at 6 marami pa akong natutunan.   Nahihirapan man sa math pero kinaya ko naman. 

 Noong naaalala ko pa ang the best day at memories ko.  Nang ako ay sumali sa isang competition ang larong ito ay soccer.  Sumali ako dito, Masaya ako kasi first time lang akong sasali sa ganoong palaro.  Kinakabahan pa nga ako kasi baka magkamali ako noon sa pagpapraktis at marami akong natutunan, tumakbo ng matulin, mabagal, at pagsipa.  Lagi kami nagpapraktis maghapon, muka na tuloy akong negra sa sobrang inet kasi lagging nasa initan.  Ang saya ng momet nay un lalo na pa gang kalban mo sa pagpapraktis ay ibang tao.  Ang kasama kasi namin ay puro taga Sto. Cristo, magkakasama kami sa pagpapraktis ng soccer, marami ulit akong nagging kaibigan kahit mga lalaki, friends ko narin, hindi ako nakaiwas at that time na magka crush sa mga friends ko, at pagnag papraktis kami mas ganado ako sa paglalaro.  Hindi ko talaga malilimutan ang araw na ako ay madapa, at talagang dapang-dapa sa paglalaro dahil sa natisod at tinalapid ako ng aking kalaban pero ayus lang kasi laro naman yun, at noong mag lalaro na sa division meet grabe ang dameng tao.  Marami nakalban sa ibat-ibang school pero lagi kaming nananalo ang saya ko talaga noon lalo noong finals kahit hindi kami ang first, second naman kami sa laban sa Fule Almeda, tapos mayroong medalya sinabitan kami sa stage kasunod noon may picture taking pa.
At noong kami ay nagpapraktis na ng graduation sa grade 6 nag announce ang mga sasabitan, at ako ay nakasama rin lalo na doon sa medal for sport ako ang “The Best” ako ang may medal na gold, napakasaya ko at napaluha pa.  At noong graduation day tinawag na ako at kasama ang aking ina sa pag akyat sa stge at isinabit sa akin ang medal na gold, proud talaga ako at ako ay naka pag tapos ng elementarya,  at pagkalipas nito nag siuwian na kami para mag salu-salo at magsaya sa aming tahanan.
Eto na! Mas kinakabahan lalo ako dahil tutungtong ako sa highschool.  New classmates ang bagong kikilalanin na naman.  At noong natatandaan ko pa nang ako ay first year highschool sa pag eenroll kasama ko si inay.  Ang daming taong nakalinya at ako rin ay nakalinya, noong ibinigay na namin ang mga requirements para sa page enroll ang sabi may kulang padaw.  Itinext nalang sa bahay ang kapatid ko at pinadala ang kulang pang requirements na good moral, edi pinapunta sa school kung bakit bga ang sabi “eh, bakit hindi pa po sa San Vicente pumasok eh, mas malapit daw kami doon”.  Hindi naman pumayag si inay dahil ang sabi ni inay dito gusto pumasok ng anak ko.
At nang ako ay papasok na ng first day sa highschool hinahanap ko ang section ko, section 1-f ako at alam ko na ang room ko, hindi ko alam panghapon pala ako, nalapasok tuloy ako sa 1-e akala ko kasi doon.  Buti nalang may nakasabay ako sa pagpasok sa room na iyon at si zyra, nakilala ko siya at mabait siya, kahit na napahiya atleast hindi lang ako.  Simula na nang klase sa room wala pa masyado kilala.  Ang subject ay Filipino nasa unahan ako nakaupo tapos ang katabi ko ay si belda, hindi ko pa siya kilala noon, nalaglag ang ballpen ko sinimot niya akala niya mataray ako kasi nakahikaw ako na malaki.  Ang hinhin niya at naging magka close kami, at lagi kaming magkasama, sobrang bait niya sa akin, para kaming magkapatid ni Ritchell.  Kahit saan kami magpunta ay lagi kaming magkasama, malayo man siya sa upuan ko.  Natabi ako sa kanya gusto ko kasi siyang kausap at makatabi at lagi kaming nagbibiruan, hapon na kasi ang awas naming, Masaya kaming naglalakad sa paradahan, at noong minsan din pag aawas takbuhan kami kasi maulan ng malakas, basing-basa kami imbes na magalit kami ini enjoy nalang namin ang ulan.
Sa oras ng test o quizzes pag hindi ko alam ay tinutilangan niya ako at ako din tinutulungan ko din siya.  Si Ritchell ay may bestfriend noong elementary ito ay si Camille, ipnakilala niya sa akin ito, parang ang taray niya eh hindi ko pa siya masyado nakakausapa at nahihiya ako sa kanya pero ayus lang kahit hindi ko man makausap siya, si Ritchell nalang Masaya pa ako.  Madaming beses na parati kaming mag ka bonding dalawa ni Ritchell, nakakamiss na siya pag hindi napasok feeling ko wala akong friends sa room, siya kasi talaga ang maituturing kong bestfriend.  Kapag magrereview kaminjg dalawa  at masaya ako.  Pag malunkot siya pinapasaya ko siya at pinapatawa at ako rin pinapatawa rin din niya ako kapag ako naman ang malungkot. 
Matapos ang first year, tumuntong na ako sa second year highschool, kamit-kami parin ang magkasama ni Ritchell.  May mga bagong classmate ulit galling sa ibat-ibang section noong last year.  Dami na ulit kaming nakasalamuha, kaming dalawa ni Ritchell ay nagkaroon ng bagong kaibigan at ito ay sina Maricris, Julie Ann, Jessica Catherine, at si Camille pati narin si Ivy.  Naging magbabarkada kami, naging close ko din si Camille, na dati ay hindi ko nakakausap.  Masaya pag magkakasama kami, nagka experience kami ni Ritchell na mag ayos sa sarili dahil sa aming mga barkada.  G.I sila ay “Good Influence” sa amin, ang galling talaga ni Marivris ang talino at saka si Julie Ann, sila ang laging top sa room .  So kami ni Ritchell ay agaw eksena narin, nagsikap kaming mag aral, napapasama narin kami sa mga top.  Marunong narin kaming pumorma sa pananamit.  Kapag minsan naggagala kami sa Sampaloc Lake at kung saan-saan man, madalas kaming maggala talaga pero hindi naming pinapabayaan an gaming pag-aaral naming lalo na ako, nagsikap ako mag-aral para maganda ang kinabukasan ko.
Dati ang naaalala ko pa sobrang babuy ko, ang sama kong pumorma ang buhok ko ay magulo, ang damit tapos ang sapatos ay ang laki, natatawa ako sa sarili o kasi muka akong Mc Donald.  At noong nagpapraktis na kami ng Florante at Laura, pinapunta sa unahan si Rosales at Liezel, tawanan kami grabe ang sabi kasi ni Liezel “ layuan mo ako, layuan mo ako Adolfo” tapos ang kapartner  niya ay si Rosales, tawanan kami matapos ang acting ni Liezel, akala namin kung napaano siya, natumba kasi siya may sakit kasi siyang epileptic, siya ay nahihimatay at nabula ang bibig niya.  Natakot tuloy teacher namin sa Filpino, akala niya kasi namin kasama iyon sa script ni Liezel.
Ang akng love story.  Awasan na sa math naming kay miss Nuevo, pro ikinasal na siya at mrs. laluon na ang bagong apilido niya.  Last subject namin ng math then awasan na, nasa room kami at ako ay nag aayos na ng gamit ko.  May nanghihiram sa akin ng lapis sa may bintana ang sabi ko naman ay saglit lang hahanapin ko at nanghihiram din siya kay Jessica ng lapis.  Tapos pinahiram ni Jessica sa lalaki at nanghiram din sa akin “miss may lapis ka?” inabot ko tapos may ipinakita siyang lapis na hiniram kay Jessica, niloko pa ako ang sabi ko naman”may lapis ka napala nanghihiram kapa at nahampas ko siya.
Para akong nag kacrush sa kanya December iyon.  At naalala ko pa sinabayan niya ako sa paglalakad at tinatanong ang name ko, pero sinabi itanong mo sa kanila.  Hindi k kasi sinabi ang name ko.  Isang araw time namin ng math, tawag ng twag sa akin eh nagkaklase  si mam Laluon, nahihiya tuloy ako.  Ang lagay ko noon ay parang namumutla na hindi maitindihan, lagi kasi niya akong tinatawag na Rose.  Alam ko na ang apilido niya, Faner ang apilido niya, ayun kasi ang sabi ni Ivy, tapos nakasulat pa name niya sa blackboard, kala ko naman siya iyon ang nakalagay doon.  Ang tunay pala ay Hernandez, mali pala ang sabi ni Ivy sa akin.  Ang section niya ay section H at ako ay section ko naman ay G.  Pang umaga kami, may pasok kami tapos recess namin noon, pumunta ako sa new building, at nakita ko siya, tinawag naman niya ako at sinabayan ako sa paglalakad, sabi niya “Rose pwede kabang makadate sa linggo?” ang sagot ko “ ewan, kasi wala pasok yun, baka mapagalitan ako sa bahay” ayun ang sabi ko.
Noong bandang patanghali , may labanan sa school sa may library ng Florante at Laura bilang si Adolfo siya.  Nanunuod ako sa kanya ang kapal ng eye liner niya sa mata, tawang- tawa naman ako, pero habang tumatawa ako ay kinikilig naman ako, kasi nakaitingin din siya.  May sinabi siya, intayin ko daw siya sa malapit sa computer room, inintay ko naman siya, may binili pa nga akong coke at snacks, yun pala wala na siya at nakaalis na siya sabi ng classmate niya.  Na disappointed ako kasi pinag antay niya ako, kaya naman umuwi nalang ako.  Kinabukasan awasa na naman namin sa math at nakita ko siya at tinawag naman niya ako at ang sabi pa nga niya ay “SORRY” napangiti lang ako sa kanya at nilampasan siya.  Hindi ko siya matiis grabe, noong hapon naggala kami sa Sampaloc Lake, sumabay siya sa akin, ayun sumama na siya.  Tawang-tawa ako sinasabayan niya ako, at ayun nga, nang makarating na kami sa may kalabasa at umupo may itinanong siya sa akin ang sabi niya ay “may pag asa ba ako sayo?” at ayun an ibinulong niya sa akin.
At noong 3rd year na ako,mas marami kaming na incounter ni Ritchell, hindi naming sila ka close ni Ritchell.  Pero magkasama parin kami ng kaibgan ko, dahil nagkahiwa-hiwalay na kaming magbabarkda, iba na ang kanilang section,pero matibay parin ang pagkakaibigan naming dalawa ni Ritchelle.  Tatlong taon na kaming ma bestfriend kahit ang secret niya ay alam ko at alam dinniya ang akin.  Ang hirap talagang makisama sa ibang hindi mo ka level.  Butinalang may nakasama kami ni Ritchell at ito a sina Populi at Cristine.  Kami ang magka kakwentuhan.  Hindi ko talaga ang section na iyon at hindi rin ako nakikinig sa mga subject noong 3rd ako, mula noong magka cell phone at mag ka clan ay lagi nalang akong nagteteks sa oras ng klase o kaya naman ay makipagdaldalan sa katabi, pero nakikinig din naman kahit papaano baka bumagsak eh.
May hindi ako makalimutan ng makasira ako ng gitara eh hindi ko naman talaga sinasadya, hindi ko alam ang gagawin ko noon ang gitarang iyon, hindi ko nalang inintindi kasi wala naman talaga akong kasalanan at hindi nsinasadya ang panyayaring iyon.
Ang hindi ko talagang makalimutan para sa akin at hindi ko inaasahan ako ang napili sa representative n gaming section para sa js prom eh aya ko sana smali, nakakahiya naman sa adviser ko kapag hindi ako sumali.  Ang kaparner ko a si Tocino, siya ang kaparner ko noong js prom.  Hindi ko talaga malimutan noong time na aayusan na ako, magtataka ka talaga sa mukha ko, nag improved talaga ako, at noong hapon na nasa loob na kami ng central gym, kinakabahan ako kasi 1st time lang ako makakasali sa js prom.  Noong tinawag na ang mga mag representative para sumayaw ay sobrang kaba, kasi ang dami talagang tao.  Hindi ko nalang inisip na may nakatingin sa akina sa aking mga kasama, sigawan at palakpakan ang mga nanunuod sa amin.  Lalo na noong umakyat nasa stage.  1st time ko lang talagang rumampa sa stage pero ayus lang kasi tapos na ang aking ginampanan.  Ang saya talaga lalo na yng time na magsasayawan na with partner, hala hila sa dance floor.  Hindi ko maiwasan an unang magsasayaw sa akin si Herbert, naku nakakainis lang kasi lagi nalang siya an gang nagsasayaw sa akin.  May sasayaw lang sa aking iba, tapos siya na ulit, pero sinayaw din naman ako ng ex ko, masaya narin kahit papaano.  At nang matapos ang js sabay-sabay na kami umuwi nina Regine, Rochelle, at ako eh lahat naman kami ay iisa ang pag uuwian.  Eto lanang pinakamasayang nangyari noong 3rd year ako, ang saya ko kasi kasama ko ang mga friends ko.
At noong march 7, tandang-tanda ko pa pagka awas ko galling school, nagpunta akong mall kasi andu ung ma ka clan ko.  Pumunta kami sa Bagong Pook dahil monthsary kasi ng founder namin kaya napainom ako.  Ang sayako noon araw na iyon.  Hanggang inabot na ako ng gabi, matutulog na sana ako sa kakilala ko pero umuwi din naman ako.  At nang umuwi ako sa bahay ay napagalitan ako hindi n asana ako papasukin ni tatay sa bahay at titigil na daw ako sa pag aaral.  Ito talaga an hindi ko malilimutan sa buong buhay ko, pero pinapasok parin nila ako, masaya ako dahil dahil pinag aral parin nila ako.
At ngayong 4th year na ako, ito na ang kakaiba sa lahat kasi mas marami ulit akong naging kaibigan sina Lea Grace, Cecille, Marjorie at kami ang naging magbabarkada ngayon at si Ricthell naman ay napahiwalay na dahil nag iba na siya ng section, malungkot pero ayus lang. kasi kahit wala na siya masaya parin ako, kasi nagkaroon na ulit ako ng mga bagong kaibigan.  Ang mga teacher naming ngayon ay mababaet lalo na ang aming adviser na si Sr. Elmer Caimo Escala.  Ang saya niyang magturo  palabiro siya sa klase, lahat kami ay natutuwa sa kanya, nagin mailinis an gaming room, muka tuloy kakaiba na an gamin class room dahil sa kalinisan niya.  Pati ang aming upuan ay may kanya-kanya ng pangalan, kapag nag tetest kami lagging may halong biro pero malalim ang kahulugan nito.
Noong nag fieldtrip kami ang daming sumama kasi this is the moment na in 4th year, kasi last na ito sa amin.  Napaasaya naming noong nasa linyakami doon sa Enchanted Kingdom sa Rio Grande, basing-basa kami.  Ayun ang una naming sinakyang ride at sobrang enjoy, gusto pa nga naming ulitin kaya lang wala kaming dalang ekstang dalang damit.  Sumunod nito ay ang pangalawang sinakyan naming ay ang Space Shuttle, sobrang haba ng linya ang tagal naming inabot na kami ng dilim.  Kinakabahan kami gusto na nga naming umatras pero ang sabi ni sr. ay wag na umayaw dahil lahat naman kami ay kasama.  At nang matapos ang mahabang pag iintay sa wakas ay nakasakay narin kami , nakakaba talaga sobra kasi balitsutan ang pag sakay doon, pag katapos ng pag sakay naming doon ay nakahinga din ng maluwag.Nang matapos na ang fieldtip magsisiuwian na , kina sir Escala ako natulog  first time ko doon natulog  with my classmates.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                       Ang ganda talaga noong chrismastparty naming ang dami kasama ,ang mga palaro ay hindi naubusan.Ang saya talaga noong araw na yun sana maulit uli                                                                                                                                                                                                                                                                                                     
Sumunod naman ay ang  Js Prom namin , ang tagal mag umpisa  bago mag sayawan .Ang panget ng araw ko kasi nawala yung lagayan ng digicam ko , kaya pag may kumakausap sa akin ay naiinis ako  pero inalis ko muna ang pag kabarino ko, sabi ng kaklase ko maganda daw make up ko . At noong nag sayawan na may nag sayaw saakin 1st dance, si carlo na naging ex ko dati nakakailang talaga mag sayaw at matapos sya may sumayaw ulit sa akin si sir Escala , ah mas lalong nakakailang teacher ang kapartner  kasunod naman na nag sayaw sa akin ang mga classmates ko ,sa stage pa pumunta para doon mag sayawan nakakatuwa naman kasi ang dami dami tao ang araw na yun .Eto na ang last na Js naming 4th year sana maulit muli ang mga magagandang alalang ito, at noong picture taking naming 4-Galilei sa stage bago pa matapos ang ibang section mapakatagal bago pa kami, kainan ang daya nga ni Jamesula binigay sa akin ang ulam nya busog na busog  na ako ako ay. May mga awarding pa na naganap ang ganda  nung isang nakita ko na kasali sa pagent  artistahin ang muka .at noong malapit na ang last song ang  1sth dance ko ay sya ulit ang last dance ko ang saya nga parang gusto ko pang ulitin.At noong natapos na ang Js ay uwian na hinahanap ko young laagayan ng digicam ko baka kasi ako pagalitan ng ate  pag uwi ko .At nang nasa labasan na ako sabi ng friend ko kakaunin nya daw ako tapos hindi naman nag tetex naiinis na ako , buti nalang habang sinasabi ko yuon nabanggit ko ang lagayan ng digicam ,saktong ang kasama ni Jamesula nasimot daw nya tuwang tuwa na ako, Pauwi na ako walng kasabay pa uwi .
Sana sa susunod na pasukan ay may makilala akong bagong kaibigan at sana ay maganda ang future ko at dito na nag tatapos ang aking talanbuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento