Ako ay si John Darell A. Alimagno. pinanganak noong ika-6 ng Marso taong 1996.Ako ay 16 taong gulang. Nagaaral ako sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High school at nagaral ng elementarya sa Placido Escudero Memorial School sa bayan ng Sta.Elena kung saan ako nakatira. Ako ay 4th year high school na ngayon at naging maayos naman ang pagaaral ko.Kami ay apat na magkakapatid,pangatlo ako ako sa amin.Ang panganay ay si Lady Suzette Alimagno, ang pangalawa naman ay si Princess Jade alimagno at ang bunso naman ay si Niel Henry.Ang ate ko na panganay ay tumigil muna sa pagaaral dahil sa hindi na kinayang suportahan ng nanay at tatay ko pangkolehiyo nito kaya ngayon ay nagtatrabaho siya s Sta.Rosa sa isang kainan .
Ang pangalawa naman ay nagaapply na rin para magtrabaho.Ang aking ama naman ay si Edmundo Alimagno isang mazon sapat lamang ang kinikita niya pra sa amin kaya kung minsan ay hindi na lamang ako nagsasasama sa mga camping o kaya ay pagtitipon na kinakailangan ng malaking halaga.Ang aking ina naman ay si Irene Alimagno nawalan na siya ng trabaho noong ako ay grade 5 pa lamang.Nagsarado kasi yung pinagtatrabahuhan niyang factory kaya ngayon siya ay nasa bahay ma lamang .Sa Sta.Elena ay maayos kaming namumuhay.Maliit lamang ang aming bahay at ang lupa na kinanatatayuan ng aming bahay ay sa aming lolo na pinamana sa aming ama.Lampas ng sampung taon na kami sa aming bahay.Wala na akong lolo at lola dahil patay na ang mga magulang ni tatay at nanay .Noong bata pa ako ay ipinaampon ng nanay ko ko si Niel Henry ang aking kapatid sa aking tita dahil wala pa itong anak ,doon na siya lumaki pero tinuturing nya rin kaming tunay na pamilya siya ay gagraduate na ng elementarya sa San Pablo Collages.Pinaampon niya si niel dahil alam niyang mas magiging maganda angkanyang buhay at mas maiibibigay sa kanya ang gusto niya .Minsan ay binibisita namin siya sa kanilang bahay.
Kahit noong bata pa ako ay mahilig na ako sa musika at madalas akong makinig dito.Hangang sa napagisipan kong magaral na gumamit ng instrumento .Napili ko ang paggigitara.Halos hindi ko na bitawan ang gitara paghawak ko ito.Nakagawian ko na itong pangpalipas ng oras,kung minsan naman pag wala akong magawa sa amin ay nalabas ako ng bahay at natambay sa bahay ng aking kabarkada at doon kami nagkekwentuhan.Dito naman sa school ay marami rin akong naging kaibigan.Nagbuo kami ng isang banda,nakakatugtog din naman kami sa school kapag may concert .Matagal ko ng pangarap ang makatugtog sa stage sa harap ng maraming tao at awa naman ng diyos ay natupad din ito.Ako ay nabibilang sa seksyong Galilei.Ang aming tagapayo ay si Mr.Elmer Escala siya ay magaling at mabait na guro siya ay totoong tinatawag na advicer dahil lahat ng sinssabi niya ay tama at para rin mapaunlad ang aming sarili.Madalas paguwi ko galing eskwela ay nagbabasa ako ng kwento sa libro o kayay sa diyaryo.Pero pagtungkol na sa aralin ay tinatamad na akong magbasa.Kaya naman baka mapalang pa ng aking pagtatapos dahil sa mayroon akong dalawang delikadong subject pero pipilitin kong ayusin aty galingan sa delikado kong subject.Ayos din naman na naging tagilid sa subject na iyon para matutoakong maging responsable sa aking pagaaral.Noong ako ay 14 taong gulang ay mahilig akong pumunta sa nga ilog kasama ang aking mga kaibigan sa amin.Kada bakasyon ay hindi kami nawawala doon.Ang ilog na ito ay sa Brgy. Putol kabila ng aming brgy.Marami rin akong naging kaibigan doon.Maliban sa paglalangoy ay mahilig din akong magbasketball.Minsa ay napunta pa kami sa ibang lugar para makipag laro ng basketball.Natulong din naman ako sa mga gawaing bahay bago ako lumaba ay tintapos ko muna ang dapat kong tapusing gawain.Minsan ay natulong din ako sa pagluluto ni nanay ng kanyang mga paninda.Kada fiesta ay lagi kaming naghahanda pasasalamat nadin sa mga biyaya na ibinigay sa amin.Maraming tao kapag fiesta sa amin,maraming napunta sa peryahan at maraming palabas sa may court ng sta. elena.Lagi akong nanunuod ng mga palabas doon..Mayroon pang liga ng basketball kung saan kami nasali ng mga kaibigan ko.Noong isang taon ay nanalo kaming 2nd place sa liga sa amin.Nagpapaorder ang nanay ko ng puto at mga cake.Napaka dami ng naorder sa amin kaya naman umaga pa lamang ng bisperas ng pasko ay dapat nagsisimula na kami.Ganundin kapag bagong taon mas madami ang paorder kaya madaling araw pa lamang ng bisperas ay nagsisimula na kami.Ang kikita namin doon ay pinanghahanda namin sa noche buena at media noche ang mga natirang pera naman ay panggastos namin.Tuwing bakasyon ay napunta kami sa aming tiya sa pila laguna brgy.masico.Doon kam nagbabakasyon ng mga ate ko masaya sa lugar na iyon,mababait ang nga tao at walang kaguluhan doon.Kung saan saan ako nakakapunta.Mahilig akong maggala kaya kung saan saan ako nakakapunta.Mahilig din akong mamili ng mga damit kapag may pera.Gusto ko laging bago ang aking damit kapag may lakad pagmayroon na pambili.Nasama ako sa tatay ko sa trabaho.Naghahkot ako ng mga haloblocks ,naghahalo ng semento,naghahakot ng mga buhangin at nagaabot ng mga gamit ng tatay ko.Nakita ako dito dalawang daan kada araw.Yung pera noong nakarang bakasyon ay pinamili ko gamit sa pagpasok sa school.Mga bag at sapatos at notebook.Minsan pag may bayarin sa school ay ako na ang nagbabayad kapag nakakasama ako sa aking tatay.Dati ay inaalagaan ng nanay ko ang tiya niya na si lola urding sa bahay niya. Malaki ang bahay ni ni lola urding .Si nanay ang nagbabantay sa kanya.
Pero nung umalis na siya papuntang canada ay ayaw na ni nanay na magbantay sa bahay ni lola.Ngayon ay walang nakatira doon.Ang tatay ko ay lumaki sa san anton, doon sila dati nakatira ng lola ko.Marami rin kaming kamaganak doon kaya lagi kaming nabisita at napunta sa mga kamaganak namin doon.Ang mga kamaganak naman ni nanay ay malayo sa amin.Taga taguig sila kaya iilang beses pa lamang kaming nakakabisita sa kanila.Pero pagnapunta kami doon ay masaya naman kami nilang tinatanggap.Isa rin sa mga kaya kong gawin ay pagguhit ng mga larawan o kya ay ibat ibang klaseng font.Minsan ay nagtatatoo din ako ng henna sa aking mga kabarkada.Siguro ay naman ko ang pagguhit sa aking ama ,kaso ay nangangatal na ang kanyang mga kamay dahil sa hirap ng trabaho kaya hindi na rin siya marunong gumuhit.Kaming tatlong magkakapatid ay marurunong gumuhit,ang aking isang ate ay nakapagguhit na sa dyaryo ng kanilang school.Magaling din umawit ang ate kong iyon.Kaso ay ayaw niyang magsasali at ipakita ang kanyang galing sa maraming tao dahil nahihiya sya.Dati nung ang nanay ko ay nagtatatrabaho pa sa factory ay maayos at hindi mahirap ang aming buhay.Naibibigay pa niya ang aming gusto,kaso nga lang ay nagsarado na iyon at inilipat sa davao.Hindi na sumama ang nanay ko doon dahil masyadong malayo at mapapalayo siya sa amin.Dahil doon si tatay lamang ang kasama namin.May trabaho din si tatay kaya pagdating ko sa bahay galing school ng alaskwatro ay magisa lang ako sa amin dahil ang dating pa ni tatay ay als singko.Natatakot din si nanay dahil walang gagabay sa amin dahil sa may trabaho din si tatay.Ngayon ay samasama kami kaso ay mahirap ang buhay dahil si tatay lamang ang nakayod.Ang ate ko namang panganay ay hindi naman natulong kina tatay at nanay at pansarili lamang ang iniisip.Nagkanda utangutang sila nanay dahil nagkasakit ang ate kong panganay kaya lagi akong absent noon sa klase kase walang pamasahe kasi uunahin siya at ang kanyang gamot.Gumaling na siya at nagtatrabaho kailangan niya ng perang pang apply noon kaya ang ibang pera na kinita ko sa pagsama sa tatay ko ay naibigay na sa kanya.Hindi naman ako galit sa kanya sana lang ay tulunagn niya ang maga magulang namin dahil siya ang panganay
Noong bata pa ako ay may sakit ako sa puso,lagi akong nahihimatay noon at patpatin akong bata.Dahil sa aking sakit ay napilitan si nanay na patigilin muna ako ng pagpasok ng kinder garten.Hindi din nagtagal at nawala rin ang sakit kong iyon at pumasok na ako ng grade 1.Kahit ang aking guro ay ingat na ingat sa akin dahil baka bumalik ang aking sakit.Mabait ang aking guro noon.Siya ay si Gng. Masa.Noong bata pa ako ay gusto kong maging Engineer parin na rin sa tatay ko.Dahil iyon ang pangarap niya na hindi natupad.Kaso ngayon ay mahirap ang buhay at wala pang kasiguraduhan kung makakapasok pa ako ng kolehiyo.Gusto ko sanang magpulis kasp ay ayaw ni nanay.Sabi niya ay magisip na lamang daw ako ng ibang kurso na kukunin.Dahuil pag nakapag trabaho daw ang aking ate jade baka pagaralin ako nito.Siya lamang ang aking inaasahan na magpapaaral sa akin dahil dun sa isa kong kapatid ay walang aasahan.Angate Jade ko ang pinakamabait kong ate kahit lagi ko siyang inaaway ay ayu mabait parin siya sa akin.Lagi siyangmay pasalubong sa akin galing eskwela.Ngayon ay nagaapply na siya ng trabaho sa iasang kompanya.Dahil napatigil din siya ng pagaaral.Sabi niya ay pagnakapagtrabaho siya ay pagaaralin niya ako.Pagnakatapos ako ay si ate Jade ko naman ang aking pagaaralin at tutulungan ko sina nanay at tatay.Patitigilin ko na si tatay sa paghahanapbuhay at ipagtatayo ko sila ng magandang bahay.Dahil naghirap sila para maitaguyod kami kaya tama lamang na pagnakatapos na kami at may kaya na sa buhay ay dapat sila naman ang aming paglingkuran .Iaalis ko na sila sa masikip na lugar na tinitirhan namin ngayon.Pati narin ang mga kamaganak namin ay tutulungan ko.Maswerte ako at napunta ko at napunta ako sa isang mabuting pamilya at hindi ako pinababayaan.Hindi katulad ng ibang bata na walang bahay at hinahayaang palabuylaboy sa lansangan.Kaya malaki ang aking pasasalamat at napunta ako sa mabuti na pamilya.Kahit pagod na si tatay sa trabaho ay tuloy parin siya kahit matanda.Kaya sabi ko sa kanya ay malapit na akong makapagtrabaho at titigil na siya sa pagtatrabaho at ako na lamang ang magtatrabaho para sa kanila.Matanda na sina nanayat tatay.Kaya dapat sila ay nagpapahinga na lamang sa bahay.Marami akonhg pangarap sa kanila.Sana ay nandyan pa sila habang tinutupad ko isa isa ang mag pangarap ko para sa kanila kahit mahilig maglasing si tatay ay hindi niya kami sinsaktan katulad ng ibang ama ns nangbubugbog ng anak.Hindi niya nga kamo pinagbubuhatan ng kamay kahit mali ang aming ginagawa.Mahal na mahal ko ang aking pamilya kaya akoy nagsisikap para sa kanila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento