Ang
Aking Talambuhay
![]() |
ako ito |
![]() |
nung fieldtrip2012 |
![]() |
ako at si cecille |
![]() |
js namin |
![]() |
ako at si rose |
Naghiwalay sila ng mama ko dahil daw si papa ko ay seloso at noong ako ay apat na taon na ako ay bumalik ang aking ama sa Pilipinas para kunin ako pero hindi ako ibinigay ni mama at itinago ako ni mama sa tiyahin ko umalis ang aking ama at noong bumalik ulit sya may kasama na siya na mga pulis at may abogado ang kasama niya ang ginawa ni mama ay itinago ako sa samar sa mga lolo ko at lola ko sa probinsya. Nang iniwan ni mama sa aking mga lolo at lola ay pumunta si mama sa ibang bansa para magtrabaho at ako nuun ay 4yrs old ako noon. At pinag-aral ako ng lola ko at lolo ko ng daycare sa Samar noong daycare ako ang bag ko ay plastik dahil walang pambili ang lolo at lola ko at hindi pa marami ang mga friend ko kahit hindi pa ako marunong mag-waray. Grumaduate ako noong daycare ako na hindi ko kasama ang mama ko sa stage pagsabit ng medalya dahil ako ay honor at noong grade one ako marami na akong kaibigan at close ko narin sila ang aking mga pinsan ay marunong na din akong mag-waray.Noon at naging kaklase ko ang aking pinsan na babae ang panagalan niya ay Ludilyn mas matanda siya sa akin ng 2 taon naiinggit ako sa kanya kasi pagmay assignment kami tinuturuan siya ng kanyang mga kapatid at mga magulang.Samantala ako wala kasi matanda na ang aking lola at lolo pero masaya din ako kasi pagtuwing awasan naiiwan ako sa room at tinuturuan ako ng aking teacher magbasa magsulat magbilang at minsan tinuturuan niya ako sa aking assignment at sabay kami umuuwi ng aking teacher at inihahatid ako niya ako sa bahay sa at binibigyan ako ng pambaon para bukas sa papasok. Naging masaya din ako sa mararamdaman ko dahil para na siyang aking ina at ako naman ay tinuturing niya ako bilang anak ang pangalan ng aking teacher ay si Ma'am Reyes Abunda.
Noong grade 2 na ako iba na ang aking adviser at panibagong kaibigan pero noong grade 2 ako akala ko magiging malungkot ako hindi pala kasi nnagkaroon ako ng tunay na kaibigan ang pangalan nila ay si Sherly,Judlyn,Carlo,Tayang , Dianna sila ang aking tunay na mga kaibigan noong grade 2 ako ang turing namin sa isa't isa ay parang magkakapatid at sila lagi ang aking mga kalaro at sabay sabay kami papasok sa iskul at sabay-sabay din kami umuwi tu wing awasan . At lagi pa rin ako hinahatid ng teacher ko noong grade 2 ako at sya pa rin ang nagbibigay sa akin ng baon.
Noong grade 3 na ako kaklase ko pa rin ang aking mga kaibigan at sila pa rin ang aking mga kaharutan at ang aking adviser noon ay mataray.Kaya tuwing nag kaklase hindi ako maingay kasi baka ako pagalitan at ipahiya sa mga kaklase ko at don din ako nasanay na palagi ako tahimik tuwing may klase .Pero pag kasama ko naman ang aking mga barkada madaldal naman ako at lagi ako absent noong grade 3 ako dahil natatakot ako sa aming adviser at pinatawag nya ang aking gurdian pero hindi pumunta ang aking lolo at lola kasi matanda na sila hindi na sila makalabas ng bahay kaya ang ginawa ko pumunta ako sa tapat ng room ni ma'am Reyes.At ipinaliwanagt ko kay ma'am Reyes kung ano ang problema ko at kung bakit ako naabsent pinuntahan nya ang aking Adviser at kinausap nya at simulan noong kina usap ni ma'am reyes bnaging mabait na ang aking adviser.Hindi na naging mataray at lagi na ulit ako napasok at tuwing hapon pag uwi ko ng bahay at minsan ako din ang nagsasaing kasi hindi na kaya ng aking lola at lolo dahil sila ay may sakit na rayuma. Tuwing umaga nagising ako na maaga ma iigib at mag lilinis ng bahay at pupunta ako sa aking tiyahin para umutang ng bigas at pagkatapos sinasaing ko muna bago ako malkigo. Kaya minsan na lalate ako sa school at noong na late ako sabi ng adviser sa akin kapag ma late pa ako sa susunod hindi na daw nya ako papasukin.Patatawagin daw nya ang aking lolo at lola para ako makapasuk sa school isang araw naq late ako at hindi na nya ako pinapasok. Kailangan na daw nya makausap ang aking gurdian umopo ako sa tapatr ng school ni ma'am Reyes at nilanapitan nya ako at ang sabi nya kung anu daw ang aking problema at sinabi ko sa kanya at pinaliwang ko kung bakit ako na lalate umiyak ako at pati din si ma'am Reyes ay na paiyak.Pag katapos ko ipaliwanag sa kanya hinawakan nya ang aking kamay at sinabi nya sa akin na sya na daw ang bahala ng problema ko pinuntahan nya ang adviser ko at kinausap nya ulit.Nakapasok ulit ako ayan ang hindi ko makalimutan hannggang ngayon . At noong simula tuwing umaga napunta si m'am Reyes sa bahay at tinutulungan nya ako sa gawain ng bahay minsan wala ako ginagawa kasi ang pinapagawa nalang sa akin ni ma'am Reyes ay gawin ko nalang ang aking takdang aralin hindi ko talaga makalimutan si ma'am reyes sa kanyang kabutihan at sya ang tinuturing kong ina.
Noong grade 4 na ako naghiwalay kami ng aking mga kaibigan pero si Carlo.Magkaklase parin kami sya lagi ang aking kalaro noon at lagi kami magkasabay umuwi at inihahatid nya ako sa bahay naming si Carlo ay mayaman ang kanyang mga magulang sa Brgy namin sila ang kilalang mayaman.Uuwi ang mama ko noong grade 4 ako ako umuwi si mama ng buntis at may asawa na at sinabi sa akin ng mama ko sya ang aking ama pero agad sinabi ng tiyahin ko na ama-amahan lang.Nalungkot ako dahil naaalala ang aking ama kung nasaan ba sya at kung inaalala nya ako nanganak si mama lalaki ito ang pangalan nya ay James Paul. Makalipas lang ng ilang buwan ay bumalik na ulit sya sa maynila kasama ang aking kapatid pero Masaya parin ako noon kasi nakita ko ang aking ina.
Noong grade 5 ako naging malungkot ako kasi hindi na si maam Reyes ang mag tuturo sa amin mapapapunta na sya sa ibang iskul humina ang aking loob ko kasi wala na akong malalapitan guro.Pag may problema ako pero hindi parin kami nag kahiwalay ni Carlo sya na lang ang nagpapasaya sa akin.
Noong grade 6 ako masaya ako kasi nangako si mama na uuwi sya sa graduation namin at sya ang klasama ko sa graduation atr naging kaklase ko pa rin si carlo at pag minsan pag wala ako baon binibigyan nya ako ni carlo at noong march 1 tinawagan ko si mama at ang sinabe ko kay mama na malapit na ang graduation namin sabe ni mama na hindi daw saya ang makakasama ko mag m,arsha dahil hindi daw sya makakauwi kasi walang mag aalaga sa bunsong kong kapatid simula noon naging malungkot ako kasi nangako sya pero hindi naman nya tinupad at inisip ko kong sino ang makakasama ko sa pag marsha hindi naman maari na ang kasama ko ang aking lola at lolo kasi hindi na sila makalakad kasi matatanda na sila .At noong March 14 ng hapon pinuntahan ko si Carlo upang sabihin sa kanya na baka hindi ako 9 makasali sa gradeuation kasi wala ako kasama mag marsha pumunta kami sa bayan pupuntahan namian si maam reyes preo ng pinuntahan namin sirado ang kanilang bahay at tinanong namin ni carlo kong nasaan ang tao at ang sabi na mano na lumipat na daw sila ng bahay noong march 15 ng umaga graduation naminh na kahit wala ako9 kasama magmarsha ng bihis parin ako at sinoot ko yong toga at noong pumunta ako sa gym. nakita ko si maam rayes yinakap ko sya at yinakap din nya akok ng mahigpit at naging masaya ako kasi may makakasama na ako mag marsha inayusan ako ni maam reyes at sya ang nakasama ko mag marsha at noong pag uwi ko sa bahay namin naghanda ang bmga tiyahin ko . masayang masaya ako talaga na kahit hinda umuwi si mama at na kahit hindi sya ang nakasama ko mag marcha.
Noong 1st year na ako naging kaklase ko parin si carlo at sya pa rin ang aking kasama tuwing awasan at naging masaya naman ako nat noong 2nd year na ako hindi kona sya naging kaklase si carlo kasi lumipat na sya nang school pero may mga kaibigan naman ako nabago at kaugali din nila si carlo naging masaya naman ako . at noong 3rd year na ako nag transfer ako sa col. lauro d. dizon memorial national high school sa san pablo laguna noong unang enrolan kinakabahan ako kasi wala pa akong kilala at wala pa akong kaibigan at noong unang pasukan nalilito ako kubg saan ang room ko kaya nagtatanong tanong ako at natanungan ko si kuya kong anu ang seksyon nya at ang sabe nyi 3-j at nag tanung din sya kong anu ang seksyon ko at ang sabni ko naman 3-j din. at sya nakasama ko at ang panagalan nya ay si wilson cardinosa at naging masaya ako. kasi nakatira na ako sa aking mga magulang at no9ong mga 3 weeks na madami na din ako naging kaibigan sila sarah jane garcia at edna c. nopia jane lacquin lysa lahat ng nakaklase ko noong 3rd year ako naging true friend ko sila lahat at ang advisert namin noon ay si maam Liza Brion at noong j.s nagiung masaya din ako . at noong 4rth year na ako masaya masaya ako kasi ang bait ng adviser namin at ang aking mga kaklase at blahat na teacher ko. at naging kaiiobigan ko sila arida marj. at rose noong j.s namin sobrang saya ko kasi madami ang nag sayaw sa akin at sinayaw ako nang crush ko dyan po nagtatapos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento